Chapter 50

5 1 0
                                    

"Excuse me. Hindi 'yan totoo."

Aware naman akong nalasing ako pero grabe naman sa hindi maka-lakad. Malamang, pinaguradong knock-out ako! Kasalanan ko rin na pumayag ako sa kalokohan ng kambal kagabi. Tamang deny muna ako ngayon dahil una sa lahat nakakahiya ang pag-lalasing ko kagabi. I can't even remember the next scene after I passed out in cr.

Tumaas ang sulok ng labi niya at hindi pa rin nagagawang umatras para bigyan ng distansya ang isa't-isa. Gusto kong igalaw ang paa ko pero hindi ko alam kung bakit parang nakanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa mag-kalapit namin mukha.

"Yeah, if that what you said," aniya. Bumaba ang tingin ko nang ipasok niya ang isang kamay niya sa bulsa ng suot niyang sweat pants. Nilabas niya ang phone niya at muling tinigna ako sa mata. "But I have a proof-"

"So?!" Hindi ko na napigilan ang pag-taas ng boses ko. Bumahid sa mukha ni Micheal ang pag-kagulat dahil sininghalan ko siya. Tumaas ang kilay ko, "E,'di sana hindi mo nalang ako tinulungan!" Halos gusto ko na nga mag-palamon sa lupa dahil nalasing ako kagabi. I know it's my fault and I'm not his responsibility pero mas dinadagdagan niya ang kahihiyan ko!

Binalot kami ng katahimikan. Nakatitig lang ako sakanya. I hate him! Inaasar niya kasi ako. Pero agad akong nakaramdam ng guilt sa pag-taas ko ng boses sakanya. Andami ko ng atraso sakanya. Nasa condo niya ako at tinulungan niya na ako kagabi tapos ako pa may ganang sigawan siya.

Tumikhim ako, "Sorry..." Halos bulong kong sambit. Napatungo ako at kinagat ang ibabang labi ko.  "Uuwi na ako. Salamat." Tsaka tinalukuran siya at nag-lakad papunta sa pinto niya para maka-alis na ako rito. Hiyang-hiya na ako sakanya.

Pinihit ko na ang door knob at akmang bubuksan na ang pinto nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nag-baba ang tingin ko sa kamay ko na hinawakan ni Micheal. I gasped when I felt his warm hand against mine. Ano bang ginagawa niya saakin? Nang-aasar parin ba siya? Kung oo, hindi na ako natutuwa.

"Just eat," rinig kong sabi niya. Nanatili ang mata ko sa kamay naming dalawa na hindi niya pa rin binibitawan. I suddenly remember.... No, I should not remember the past. Kaya ayoko siyang makita o makasama dahil naalala ko lahat ng nakaraan namin na alam ko naman hindi nangyayari sakanya. He's getting married. Tulad ng sinabi ko kanina, hindi niya ako responsibilidad pero I'm still thankful to his kindness to me. I do appreciate that.

Hindi dapat ako mag-tagal dito sa condo niya. Baka dumating si Layla. Ayoko ng gulo.

I pursed my lips, gently removed his hand that he's holding. It's like a déjà vu to me. I gulped.

"P-Pwede naman akong umuwi pag-uwi," ani ko. Buti nalang ay hinayaan niya ako sa ginawa ko. Hindi ko nga siya malingon. Iniiwasan kong makita ang mukha niya habang tinatanggal ko ang kamay niyang naka-hawak saakin. 

"Okay... Ingat." I merely nodded my head. Nang makalabas na ako ng pinto ay muli niya akong tinawag na muli kong ikinahinto sa pag-lakad. "Your car is at the parking. Beside of my car."

"Sige po. Thank you ulit." At tuluyan ng nag-lakad paalis ng unit niya. Pag-pasok ko sa elevator ay napasandal ako. Tila kinuhanan ako ng lakas sa sandali naming pag-uusap. Gulong-gulo na ako. Bakit may epekto pa rin siya sa sistema ko?

Tulad ng sabi niya ay mag-katabi ang kotse namin nang makarating ako sa parking. Maliit akong ngumiti saka sumakay sa kotse ko at pinaandar iyon. Kung tutuusin ay sobra-sobra ang naitulong niya saakin dahil sa kalagayan ko kagabi. Pwede naman niya akong hayaan duon. Gusto kong kwestunin ang tulong na ginawa niya pero isinantabi ko nalang. Wala naman ibig-sabihin iyon. It's a pure courtesy.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon