"Make sure wala na kayong naiwan."
Ibinulsa ko ang phone ko nang marinig ang sinabi ng isa sa mga kasamahan ko. Andito kami ngayon sa airport. Pupunta kami ng Palawan. Hindi para mag-bakasyon kung hindi ay mag-trabaho. Magkakaroon lang kami ng public check-up for those family in island na malayo sa hospital ng kabisera.
Isa ako sa mga pinili na nurse. May dalawa naman akong kakilala rito. Si Zoey at Nora. Isa pa, kasama rin si Micheal na doctor. Sa tingin ko ay mga 30 lang kami at isang linggo lang kami roon.
Pumasok na kami sa loob ng airport dahil malapit na ang boarding namin. Hinatak ko ang maliit kong maleta. Hawak-hawak ko ang sarili kong ticket at nakapila para makasakay na sa eroplano.
Hindi ko mapigilang mahikab dahil sa antok at pagod na nararamdaman ko. Kakatapos lang duty ko ngayong araw tapos ngayong gabi ang flight namin. Maaga rin ang alis namin bukas patungo sa isla.
Nang makapasok na kami ay dire-diretso lang ako sa pag-lakad hanggang sa makarating ako sa upuan ko. Binuhat ko ang maleta ko para mailagay sa compartment saka umupo. Sa tabi ng isle ang seat ko pero masyado akong pagod para intindihin iyon.
Isinandal ko ang likod ko at pinikit ang mata. Alam kong saglit lang ang flight namin pero susulutin ko na ang pag-tulog ko. Ginising ako ni Zoey nang maka-lapag na kami. Siguro halata sa mukha ko na kulang ako sa tulog.
Pag-labas namin ng Puerto Princesa Airport, may dalawang van na sumalubong saamin. Kinusap muna ito ng isa sa mga senior doctor na si Doc. Bennet bago kami sinabihan na sumakay na kami. Umupo ako sa tabi ng bintana para maisandal ko ang ulo ko kung sakaling makatulog ako sa byahe papunta sa hotel na pag-tutuluyan namin.
Napalingon ako sa tabi ko nang maramdaman na may tumabi saakin. Lihim na nahigit ang pag-hinga ko ng si Micheal pala iyon. Agad kong inalis ang tingin ko sakanya at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Umandar na ang van. Ilang minuto ang lumipas ay dahan-dahang bumibigat ang takulap ng mga mata ko hanggang sa hilahin ulit ako ng antok.
"Cath, wake up." Minulat ko ang mata ko. Tinignan ko ang labas at madilim pa rin. Nasaan na kami? "We're here." Sinulyapan ko ang nag-salita sa tabi ko na si Micheal. Siya ba ang gumising saakin? Malamang mag-katabi kami. Nilinga ko ang tingin ko. Napagtanto na kami nalang dalawa ang narito sa loob ng van.
"Asan ang 'yung iba?" Tanong ko sakanya.
"Nasa loob. Kumakain."
Tumango ako. Naunang lumabas si Micheal. Nagulat pa ako dahil siya pa ang kumuha ng maleta ko sa likod.
"Salamat," ani ko at kinuha ang maleta ko mula sakanya. Sabay kami pumasok ng hotel. Pinuntahan namin ang restaurant na nasa tabi 'non dahil sabi ni Micheal ay naroon daw sila. Pag-dating namin ay nakita ko ang pag-taas ng kamay ni Nora nang makita ako. Maliit akong ngumiti at nag-lakad papunta sa table nila.
"Kain ka muna. Libre 'to." Ani Zoey.
Mahina akong natawa at kinuha ang menu na nasa harap ko. Nang makapili na ako ay tumawag ako ng waiter para sabihin ang order ko. Mabilis nakarating ang pag-kain ko. Tahimik lang akong kumain. Pagtapos ay ibinigay na saamin ni Doc. Bennet ang hotel key. Kasama ko si Nora at Zoey sa kwarto.
Kinabukasan ay ala-singko palang ay gumising na ako. Nag-suot lang ako ng white printed shirt at jeans pati sapatos. Bumaba ako para mag-almusal. 7AM ang alis namin patungo sa Araceli.
I ordered a heavy breakfast. Alam kong gugutumin ako sa byahe at ngayong araw din kami mag-tatrabaho sa munasipalidad ng Araceli. Halos mabuga ko ang kanin na nasa bibig ko nang makita si Micheal dito sa kinakainan ko. Mukhang hindi naman niya ako napansin kaya nag-patuloy nalang ako sa pag-kain.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...