"Kita ko 'yon ah. Kayo na pala ah."
Tumaas ang sulok ng labi ko sa sinabi ni Grant. Andito ulit siya para kulitin ako dahil sa pinost ko sa instagram na picture ng holding hands namin ni Micheal with caption 'Mine'
Oh bakit? Totoo naman ah! Kami na! Klaro na. Klarong-klaro na saakin na siya. Ang landi landi ko!
Ilang oras na nakalipas, nakita ko rin yung post ni Micheal sa insta. Shadow lang siya. That was taken when we were practicing in cheerdance. Gabi na kasi kami umuuwi 'non. Naglagay din siya ng caption na 'Officially yours.'
Ang lalandi namin sa totoo lang.
Sabado ngayon at chill lang kaming nanonood ni Grant sa netflix. Umalis na sila Mama kaya kaming dalawa nalang ang naiwan dito.
"Kaya pala kayo nawala kagabi ah." Rinig ko sabi niya. "Yieee, official na sila."
Inirapan ko siya at binato siya ng unan pero nakangiti parin ako. Masama?! Masaya lang ako kasi may boyfriend na ako.
"'Wag mong ipagkalat sa school. Hayaan mo silang mag-taka kung sino 'yon. Mukhang alam narin naman ng iba, e." Seryosong ani kay Grant. Gusto ko neutral lang kami ni Micheal kahit kami na. 'Yung tulad ng dati. Napag-usapan naman na namin 'yon kagabi. Nag-aalala lang ako na kumalat itong tungkol saamin tapos magkaroon pa kami ng issue. Ayoko ng sakit ng ulo. Sapat na 'yung research.
Mabilis tumango si Grant, "Oo naman! Makaka-asa kayo 'no! Pero tanong lang, paano mo siya sinagot?"
Talagang nandito lang siya para chumismis tungkol sa nangyari saamin kagabi ni Micheal. Naalala ko tuloy 'yung first kiss namin. Agad uminit ang pisngi ko at wala sa sariling napahawak sa labi ko. Infairness, malambot labi niya.
"What the- Nag-halikan na kayo?!" Malakas na sigaw niya. Tinignan ko lang siya. Ayokong magsalita! Nahihiya parin ako! "Wow..." ani Grant at malalaki ang matang nakatingin saakin habang umiiling. "Grabe... ang bilis ni boss Micheal."
Natawa ako, "Oh, nasagot naman na siguro yung tanong mo diba? Layas na." Sabi ko sakanya.
"Wait lang may tanong pa ako!"
Tumaas ang kilay ko, "Ano?" Tanong ko sakanya.
"Buti hindi ka natakot."
Mahina akong natawa, "Tanong ba 'yan." Ani ko sakanya. Na-gets ko kung ano ang ibig-sabihin niya. Nag-kibit balikat siya at muling tinuon ang atensyon sa tv. "Malamang," umpisa ko. "Iniwasan ko siya. Nung panahon na 'yon, ang labo niya."
"Tulad niya?"
Tumango ako, "Tulad ni Larry." Matagal na mula nung binanggit ko ang pangalan niya. Wala na akong balita sakanya mag-mula nung umamin ako sakanya. Oo, umamin ako pero na-friendzone ang lola niyo. Pero tapos na. Naka-move on na ako. Hindi ko ineexpect yun dahil first heartbreak ko 'yon.
"Pero nagkalinawan naman kayo?"
"Oo, nung pasko."
"Tsk. Ang landi niyo."
Mahina akong natawa. Buti nalang... buti nalang klinaro namin kundi, para ulit akong nangangapa sa dilim o kaya wala kami ngayon. Walang wala.
"Siguro," ani ko. "Na-misinterpret ko lang si Larry dati. I mean, 'yung actions niya. I was naive back then. Akala ko, dahil sa sobrang close namin, sa sobrang bait niya saakin akala ko gusto niya ako tulad ng nararamdaman ko sakanya." Napa-iling nalang ako nang ma-alala kung paano ako nag-walk out sa prom 'non dahil iyon ang panahon na umamin ako kay Larry. Babae rin ako. I thought, that was the right timing to confess my feelings to him. Magical, romantic or anything girlish you may call.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...