"I'm Catherine. President of Grade 11 Section 1."
Meeting lahat ng officers ngayon para sa intrams na darating next month. Kasama ko ang mga kaklase ko na officer din pati ang mga officer ng section 2 at ang mga officer ng dalawang section sa grade 12.
Pinaguusapan namin ang expenses para sa paparating na Intrams. Mula sa props ng mga sasali sa cheerdance, costume, sa magiging coach nila at sa court na pagpapractican nila. Sa mga varsity ng volleyball at basketball ay court na pagpapractican lang ang magiging sagot ng funds dahil ang damit namin ay sagot na ng sasali. Tapos may Miss. Intrams pa kaya kailangan talaga pag-isipan ang mga gagastusin.
"I'm Micheal. President of Grade 11 Section 2."
Sumulyap ako sakanya. I'm little bit surprise when our eyes met. I immediately look away. After a minute, I take a glance to him again. I unconsiously survey his face. Ito ang unang beses na makakasama ang presidente ng section 2 sa isang pagpupulong.
His eyes quite intimidating. He has a quite fair skin. His nose is standing proudly and has nice lips. I also noticed that his wearing a black watch on his left wrist. He looks clean.
Overall, he's handsome pero hindi ko siya type.
Madalas ko naman siyang nakikita rito sa sa school but we're not close. This is our first meeting as a strand so it means, this is the first time we introduced ourselves to each other.
Nagsimula na ang meeting na pinagunahan ng isang grade 12 president section 1 at tahimik lang kami nakikinig sa sinasabi niya.
"Any suggestion?" tanong nito.
"Me." Lahat kami napalingon sa nagsalita. Si Micheal. "What if hindi ganon karami ang sasali sa volleyball at basketball? Look, sa cheerdance halos sagot na ng funds lahat tapos sa mga varsity player sagot nila ang jersey nila. That would be unfair."
May point siya pero marami ang sasali sa cheerdance kaya sagot lahat ng funds. Mahal magpagawa ng jersey ng mga varsity at hindi iyon kakayanin ng pera namin. Sila Samuel merong paggawaan pero hindi ko sure kung papayagan nila kami tumawad. We only have one month left.
"Magkano ba kinokolekta niyo araw-araw?" tanong ko at napunta na saakin ang atensyon ng lahat pati rin si Micheal.
"Five pesos," sagot niya.
Nilaro ko ang ballpen paikot-ikot sa daliri ko, "We can raise the five pesos. Turn it ten pesos," suhestyon ko na ikinataas ng kilay niya.
"That's too much. Marami nagpapass saamin kahit five pesos ang ambagan, ten pesos pa kaya?" puno ng sarkasmo niyang sambit.
Mahina akong natawa at napailing. Alam ko. Ganyan din naman saamin pero napapasunod ko sila kaya walang nagbabaon sa utang. I mean, not forcing them but saying na sino ba ang mahihirapan sa pagbayad sa huli? E, sila naman.
"Make them. You are the President. Have some authority," nakangising sagot ko, "marami sasali sa cheerdance pero if we can raise the amount that we collect every day, pwede pag-hatian ng mga sasali sa basketball at volleyball ang maaambag ng funds. Take note, we still have the Miss. Intrams at kailangan din natin maglaan ng funds para roon."
"Cath is right. If we can raise it to fifteen pesos, do it. Pakisabihan nalang ang mga kaklase niyo na magbayad agad para hindi sila mabaon sa utang," sabi ng grade 12 President.
"Wait, paano yung mga hindi kayang mag-bayad? Force them-"
"Sabihin mo sa mga section mo, don't be so stubborn. Pare-parehas lang tayo may kailangan paglaanan ng pera," pag-puputol ko sa salita niya, "ang importante ngayon ay mairaos natin itong Intrams ng walang aberya. If they want a reciept just to ensure them na hindi natin sila kinukupitan, e 'di bibigyan natin sila. Kahit liquidation pa para lang sumangayon sila."
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
Storie d'amoreSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...