"Catherine."
Sabay kami napalingon ng mga ka-teammates ko sa quiz bee nang may tumawag saakin. Bumungad saakin ang nakangiting si Micheal sa ibaba ng stage. Kakatapos lang ng quiz bee at isa-isa nang nagsisilabasan ang mga tao rito sa auditorium.
Muli kong tinignan ang kaklase ko, "Una na kayo sa room." Ani ko sakanila at malalaki ang hakbang na bumaba ng stage.
Sinalubong ko si Micheal ng yakap nang makalapit ako sakanya, "You did so well."
"Congratulations again. You won."
Kinalas ko ang pagkakayakap ko at hinarap siya, "Ikaw din naman. Ang galing mo. That was a nice game for us." Ngiting sambit ko.
Lamang lang kami ng dalawang puntos kela Micheal. Halos lumabas na tanong ay mula sa nareview ko at buti naman ay nasagot ko lahat at wala akong nakalimutang banggitin nuong kasagsagan ng competition.
"It is," nakangiti rin niyang sabi saakin. "Let's celebrate our victory?" Tanong niya.
Mabilis akong tumango, "Nag-promise ako diba? Maaga rin ang uwian ngayon kaya sabay na tayo."
Sabay kami ni Micheal lumabas ng auditorium at nag-hiwalay lang dahil magkaiba ang room namin. Pagpasok ko sa room, maingay at may malakas na nagpapatugtog. Hindi ko na sila sinita dahil wala naman klase ngayon.
"Hoy, mauna ka ng umuwi," sabi ko kay Grant nang makaupo ako sa tabi niya.
Kunot-noo niya akong tinignan, "Bakit? Saan ka pupunta?" sunod-sunod niyang tanong.
"May pupuntahan kami ni Micheal," buntong hiningang sagot ko sakanya at sumandal sa upuan sabay ipinatong ko ang paa ko sa isang upuan na nasa harap ko. Inaantok ako. Na-drained ako sa competition kanina.
"Ayan, ganyan kayo kapag may bebe na kayo. Iniiwan niyo na kaming mga kaibigan niyo. Hindi niyo na kami sinasama. Mas gusto niyong kasama yung bebe niyo," pagrereklamo niya at tunog dismayado dahil lang sa sinagot ko sakanya.
Hindi ko rin siya maintindihan. Nuong isang araw, nagrereklamo siya sa pagiging third wheel tuwing lunch. Ngayon naman na hindi siya kasama, sinasabi niya iniiwan na namin siya. Anak ng somai, saan ako lulugar?!
"Dios mio po patawarin." Naiiling na sambit ko. "Sige, next time. Kasama ka na," sabi ko sakanya. Andami niya pang rant tungkol saamin ni Micheal. Buti nalang walang pumapansin sa mga sinasabi niya dahil katabi namin ang mga kaklase ko na may kaniya-kaniyang buhay sa cellphone.
Nang mag-uwian, nag-paalam na ako kay Grant at sinalubong naman ako ni Micheal sa labas ng room namin. Pagdating namin sa parking lot, si Kuya Peter naman ang naghihintay saamin dalawa ni Micheal.
"Wala ka bang klase ngayon?" Tanong ko kay Micheal pagkapasok namin sa loob ng kotse.
Umiling siya at kinakabit ang seatbelt niya.Weh? Bakit hindi ako kumbinsido sa sagot niya? Umusog ako paharap at sinilip si Kuya Peter na nasa driver sear. "Totoo ba 'yon, Kuya Peter?"
"What the hell, Catherine?" Rinig kong singhal ni Micheal sa tabi ko.
Nilingon ko siya, "Baka iniiscam mo ko kaya kailangan manigurado." Kotongan ko siya sampu kapag nagsinungaling siya saakin!
"Opo, Ma'am pero po bukas meron po." Pormal na sagot ni Kuya Peter. Napatango naman ako at umayos ng upo saka nagkabit narin ng seatbelt.
"Okay, tuloy ang gala." Nakangiting sabi ko kay Micheal na inirapan lang ako. Hala, attitude. Kunin ko 'yang mata mo, e.
"Saan po tayo, Sir?" Tanong ni Kuya Peter kay Micheal.
"Where do you want to go, Cath?" Tanong naman saakin ni Micheal.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomantizmSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...