Chapter 14

10 1 0
                                    

"I'm here."

Napalingon ako. Agad akong sinalubong ng nakangiting si Micheal. He's wearing a black jacket underneath to his simple white shirt tucked in to his black pants and a white shoes.

"Hi," mahinang sambit ko sakanya. I was wearing a white high waisted shorts, a pair of black croptop and a low-cut shoes.

Nakapamulsang lumapit siya saakin. Agad kong naamoy ang mabango niyang amoy.

"Akala ko hindi ka pupunta." Aniya.

Akala ko nga rin.

"Wala rin naman akong ginagawa sa bahay." Sabi ko sakanya. Hindi excuse 'yon ha! Totoo talagang wala akong ginagawa sa bahay maliban sa humilata at kumain.

"Where do you want to go first?" Tanong niya saakin habang nakatingin.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Teh, kalma ka lang. 'Wag kang maharot.

"K-Kahit saan," utal kong sagot. Just looking at him now make me nervous. In the end, we decided to watch a movie.

"What do you want?" Tanong niya. Parehas kaming naka-tingin sa screen ng mga showing ngayon. Pero nasa isang movie lang ako nakatingin. 'Yung part 2 ng isa sa mga favorite movie ko.

"Maleficent," wala sa sariling bulong ko.

"What?"

Napatingin ako sakanya, "Ha?" May sinabi ba siya?

"Maleficent?" Taas-kilay niyang taong saakin.

Ay gago narinig ata ako.

"Gusto mo 'yon?"

Umiling ako. "Ikaw bahala," baka naman ayaw niya 'yon at ayoko siyang pilitin. Ayos lang din naman kung iba ang piliin niya. Papanoorin ko nalang bago mag-pasukan.

"I'll buy the tickets," sabi niya.

"Ako na sa pagkain. Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya.

"Anything. Ikaw nalang pumili," sagot niya. Pagkatapos 'non, nag-hiwalay na kami ng daan dahil pipila siya para sa tickets habang ako ay bibili ng pagkain namin.

Pumunta ako sa burger king at duon nalang bumili. Mahaba rin ang pila kaya medyo natagalan ako. Nang makabili na ako, binalikan ko si Micheal at nakitang nakapila pa rin siya pero malapit na siya sa counter.

Imbis na lapitan ko siya, hinintay ko nalang siya. Iniisip ko kung anong pipiliin niyang movie na papanoorin namin. Ayos lang naman 'yung mga showing. May comedy, romance at horror kasama na rin yung favorite kong movie.

Ilang minutong paghihintay ay mukhang naka-bili na rin ng ticket si Micheal dahil nakita ko na siyang paalis sa counter. May kinuha siya sa bulsa niya at nakitang cellphone niya iyon. Dahil alam ko na ang mangyayari, nag-lakad ako papunta sakanya. Masasayang lang load mo Micheal.

"I'm here," sabi ko na ikinatingin niya saakin. Ngumiti siya at binalik ulit ang phone niya sa bulsa niya.

"May tickets na tayo," saka itinaas ang hawak niya. "We still have 30 mins before the movie starts." Aniya."So where do you want to go first?"

Saan nga ba? "Timezone?" Bigla ko lang naalala yung lugar na 'yon dahil nuong highschool kami, roon kami laging pumupunta kapag walang pasok or pagkatapos ng Christmas Party namin. Andito na rin naman ako kasama si Micheal, why not diba?"

"Oh, is that an arcade?" Tanong niya.

Tumango ako, "Yup. May photobooth din doon!" Excited kong sambit sakanya. I always love the photobooth there. Dati kasi, sa sobrang dami namin magkakaibigan, siksikan kami sa loob ng maliit na booth doon.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon