"Hi, I'm Vernon."
Tumaas ang isang kilay ko sa katabi ko na pinakilala ang sarili niya. Hindi ko naman siya tinanong dahil busy ako sa phone ko. First day ng class ko ngayon at college na ako.
On time naman ako pumasok at 7AM ang unang class ko. Wala pa naman prof na dumadating kaya nag-tetext muna kami ni Micheal na wala rin ata silang prof ngayon.
From Micheal:
What are you doing?
To Micheal:
Wala.
From Micheal:
I'll pick you up later.
To Micheal:
Naks naman. Tamang flex sa bagong kotse. 11 out ko sa trabaho kaya 'wag na. Dumiretso ka nalang ng uwi.
From Micheal:
No, hihintayin kita.
To Micheal:
Kulit mo.
Naramdaman kong may sumisiko saakin kaya inis kong nilingon ang katabi ko na kanina pa ako kinukulit.
"Ano?" Inis kong sabi sakanya.
"May prof na," aniya sabay turo sa pinto na ikinatingin ko rin. "First day na first day, nagcecellphone." Rinig ko pang sabi niya.
"Pake mo ba?"
Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. "Wala," sabay iling.
Umirap nalang ako sa kawalan at tinuon ang buong atensyon ko sa kakapasok lang namin namin na prof.
"Anong pangalan mo?" Tanong ng katabi ko. Hindi ko siya sinagot at tahimik na nag-labas ng index card para raw sa recitation at attendance ng subject na 'to.
Bago mag-pasukan, sabay kami bumili ni Micheal ng mga gamit sa school para isahang punta nalang dahil may part time job pa ako after class.
"Ah, Catherine Isabel. Anong nickname mo?" Ang daldal naman ng katabi ko. Hindi ko na nga kaklase si Grant kaso may pumalit naman. Anak ng somai talaga.
Hindi ko siya inimik at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Nang matapos ako ay tumayo ako para ipasa ang index ko nang biglang hablutin ng lalake ang index ko.
"Magpapasa na rin ako. Sasabay ko na." Nakangiting sabi niya saka naglakad para magpasa.
Tahimik akong nagdasal na sana hindi ko siya kaklase sa susunod kong klase. Ang ingay niya tapos ang kulit pa. Andaming tanong sa buhay.
"So," aniya nang makabalik siya at umupo ulit sa tabi ko. "Anong nickname mo? Ang haba kasi ng name mo."
Nakapalumbaba lang akong nakatingin sa white board. Hindi talaga ako friendly. 'Di tulad ni Christine na madaling pakisamahan.
"Galit ka ba? Kanina pa ako nagsasalita rito oh. Gusto ko lang ng kausap." Rinig kong sabi niya.
Nilingon ko siya. "Ayoko ng kausap," sagot ko sakanya.
"Ang sungit mo naman, Isabel."
Kumunot ang noo ko. Isabel? Walang tumatawag saakin sa second name ko. Actually, naki-cringe ako, e. Catherine pa nga lang hindi na tugma sa personality ko, Isabel pa kaya. Masyadong girly. Ewan ko ba sa magulang ko kung bakit ganon yung pinangalan nila saakin.
Malakas akong bumuntong hininga. "Cath nalang." Ani ko sakanya.
"Bakit? Ayaw mo ng Isabel? Maganda naman ah!"
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...