Chapter 27

9 1 0
                                    

"Ito? Okay na?"

I'm wearing a beige off-shoulder long sleeve tulle gown for my debut. Pagkatapos ng semestral break namin, sinabihan na ako ni Mama tungkol sa debut ko. Ang sabi ko, hindi naman mahalaga saakin kung may debut ba o wala. It's just a 18th birthday pero nag-pumilit si Papa na gusto niya raw ng celebration at matagal na raw nilang pinaghandaan at pinag-ipunan ang celebration na 'to.

"Come out para nakita nila!" Excited na sabi ni Janice. Mas excited pa siya kesa saakin. Malakas akong bumuntong hininga at inangat ang dulo ng gown ko para lumabas ng fitting room.

Paglabas ko ay nakita ko si Grant na kumakain na katabi si Samuel na tumitingin sa paligid at Jean na nakatingin saakin.

"Guys! What do you think? Maganda naman diba? Bagay sakanya!" Anang ni Janice.

Napatingin si Grant saakin at sinuri ang kabuuan ko. Bilin ni Janice saakin, 'wag ko raw isama si Micheal para raw surprise. Andaming alam.

Nag-thumbs up si Samuel bilang sagot at si Jean naman ay ngumiti habang tumatango na mukhang nagustuhan din ang gown ko tapos si Grant ay nagpatuloy lang sa pagkain at hindi sumagot.

"Maganda raw kaya ito nalang," sabi ko kay Janice.

Tumango siya, "Okay! Kukunin na natin 'yan!"

Pagkatapos kong hubarin ang gown at magbihis ulit sa normal na clothes ko ay ako na nag-bayad ng down payment sa rent ng gown ko. Ayoko naman ng bibili pa. Mahal tapos isang beses ko lang naman susuotin.

Kinabukasan naman kami nag-kita ni Micheal para bumili ng gamit para sa immersion namin sa monday. Parehas kami ng batch at dahil medical ang course na balak namin kukuhanin ay sa hospital kami mag-iimmersion which is good saka nakaka-excite.

"Tara na," ani ko kay Micheal na halatang sobrang concious sa paligid.

"Cath, pwede naman natin gamitin yung kotse. Bakit kailangan pa natin mag LRT?"

Umirap ako. Sa Bang Bang kasi kami pupunta para bumili ng mga gamit na kakailanganin namin. Para rin maka-tipid pero itong kasama ko ata ay hindi alam ang salitang 'yon.

"Traffic. Mas mabilis kapag nag-LRT tayo kaya 'wag ka ng maarte dyan." Hindi pa siguro 'to nakaka-sakay sa ganito. Kotse lang ata alam niyang transportation na alam. Halatang hindi mulat sa pag-cocommute.

Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko. Napangiti ako dahil sa mukha niya. Umakyat kami saka dumaan sa security.

"Kain muna tayo," sabay hila sakanya sa isang somai house. Tagal ko na rin hindi nakaka-kain dito ah. "Tatlong order po."

"What food..."

Nilingon ko siya, "Somai. Promise, masasarapan ka. Mahilig ka ba sa maanghang?" Ngiting tanong ko.

"Sure. I'm fine with it."

Tinignan ko ulit yung nag-titinda saka sinabing lahat ng order ko lagyan ng chili garlic at dalawang palamig. Saglit kong binitawan ang kamay ni Micheal para mag-bayad.

"Cath-"

"Ako na. Kain ka na," ani ko sakanya. Gusto ko lang masubukan niya yung mga hindi niya pa nasusubukan. Masyadong sheltered dahil puro pag-aaral ang inaatupag. Maganda naman 'yon pero syempre know how to balance the study and social life. Si Layla lang ata kaibigan nito.

"Where's the fork?" Inosenteng tanong niya na mahina kong ikinatawa. Kumunot naman ang noo niya saakin. "What?"

Umiling ako at kumuha ng toothpick. "Ayan, ganyan tapos isalpak mo sa bunganga mo." Tinanggap naman niya ang hawak ko. Pinanood ko siyang tusukin ang toothpick sa somai hanggang sa kainin niya iyon. "Ano? Masarap?"

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon