Chapter 32

10 1 3
                                    

"Kailangan ko ng umuwi."

Mag-aalas dose na at nandito parin kami ni Micheal sa balcony niya. Gusto ko 'man manatili pa rito pero may pasok pa ako bukas.

"5 mins," aniya.

"Sinabi mo na 'yan kanina. 'Yung 5 mins mo naging isang oras na."

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Totoo naman, e! Kanina ko pa siya pinapaalalahanan na kailangan kong umuwi ng maaga pero tawad siya ng tawad. At dahil hindi ko siya matiis, pinagbibigyan ko.

"Tara na kasi, Micheal. Kapag ako na-late bukas, hindi kita papansinin!" Panankot ko sakanya.

Buti nalang nadaan ko siya roon kung hindi baka hindi niya na talaga ako pauwiin sa bahay. Ang resulta ng pag-uwi ng late ay ang pagising ko rin ng late. Kung hindi pa ako naalimpungatan sa sobrang sarap ng tulog ko, hindi ako babangon.

"Catherine, mag-almusal ka muna-"

Hindi ko na pinatapos si Mama. "Late na po ako, Ma! Bye!" Saka nagmamadaling umalis ng bahay. Mabilis kong tinakbo ang sakayan ng jeep at agad na sumakay.

Tinignan ko ang relo ko. 7:30 na. Shit! Sana naman late yung prof namin! Sobrang malas ko na natapat pa sa major namin yung pagkalate ko. Nilabas ko ang phone at chinat si Vernon.

Catherine Garcia: Vernon?

Pagkasend ko 'non ay agad iyon naseen ni Vernon.

Vernon Calleja: Baliw ka! Asan ka na?

Catherine Garcia: Otw na. May prof na?

Vernon Calleja: Wala pa pero malas mo pag-naunahan ka ni Sir.

Catherine Garcia: Wow nanakot ka pa.

Vernon Calleja: Bilisan mo nalang. Nakapag-review ka ba?

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Review? Anong irereview? May quiz ba? Agad akong nag-type para mag-tanong.

Catherine Garcia: Huh? May quiz ba?

Vernon Calleja: Gago ka... hindi ka ba nag basa kagabi sa group chat?

Catherine Garcia: Hindi.

Vernon Calleja: May recit tayo ngayon. Actually, surprise recit kasi kagabi lang din inanounce. Anyare sayo?

Nanlaki ang mata ko sa nalaman ko. Shit?! Gago? May recitation kami?! Ngayon?! Hindi na ako nag-reply pa kay Vernon at hinanap ang gc namin sa sub na 'yon. Nang makita ko ay nag-back read ako kung totoo ba talaga ang sinasabi ni Vernon saakin. Baka naman kasi nag-papanic ako sa wala!

Miss. President: Hi! Nag-email si Sir saakin na mag-paparecit daw siya tomorrow. 'Yung last chapter na diniscuss ni Sir last meeting. That's the coverage, guys! Review well.

Anak ng somai. Sobrang malas ng araw ko ngayon! Bakit hindi ba kasi ako nag-babasa ng gc? Shit talaga. Hindi rin fake news si Vernon.

Kahit nasa jeep palang ay nilabas ko na ang notes ko. Hindi naman pwede yung libro dahil sobrang kapal 'non at hassle. Siguro sa room nalang habang nagpaparecit si Sir.

Ito na ata ang pinakamalalang procastinate na ginawa ko. Nag-simula na akong mag-memorize. Bawat minuto ay importante dahil ni isa ay wala pa akong natatandaan.

Nang tumigil ang jeep sa may tapat ng school namin, agad kong binitbit ang mabigat kong bag at bumaba. Mabilis ang lakad at the same time ay nag-kakabisado ako. Ayokong makulelat mamaya.

Sa sobrang malas ko, may bumangga pa saakin dahil sa dalawang mag-jowang na naghahbulan sa hallway. School 'to hindi playground!

At wala na akong panahon para awayin sila ay mabilis kong dinampot ang notebook ko at tinakbo ko na ang daan papuntang room. Pagpasok ko, tahimik ang mga kaklase ko pero may iba naman na maingay dahil nagpapractice. Naglakad ako kung nasaan naka-upo si Vernon na seryosong nagbabasa rin.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon