"Happy Birthday sa inyong dalawa."
Andito kami ngayon sa isang resort sa Batangas na pagmamay-ari nila Janice. Birthday ni Janice at Chris ngayon. Actually, hindi sila sabay, ilang days lang ang pagitan ng birthday nila kaya pinag-sabay na namin. Si Janice ang lahat sumagot sa gastusin. Hindi na nakakagulat tuwing birthday niya. Mayaman naman ang isang 'to at medyo spoiled.
"Thanks, Cath!" Masayang sabi ni Janice at saglit akong niyakap. "Omg! Palette and acrylic paint, watercolor with brushes?!" Gulat niyang sabi pagbukas niya ng box na niregalo ko sakanya. "Can I kiss you now?"
Agad akong napa-ngiwi sa huling sinabi niya, "Sa jowa mo nalang ibigay." Sagot ko sakanya. Napa-irap naman ako nang ginawa niya talaga ang sinabi ko at hinalikan si Samuel na nasa tabi niya. May lumipad pa na ilang pirasong chichirya sa pagmumukha nila gawa ni Grant na nadidiri rin.
"Salamat sa gift, Cath." Napatingin naman ako kay Chris at ngumiti rin sakanya. "Paaubos na rin yung mga pens ko sa bahay dahil marami rin nagpapagawa ng projects nila."
"Maayos naman ba ang bayad nila?" Tanong ko.
Ngiting tumango ito. "Oo naman. 'Wag kang mag-alala. Side line rin 'yon."
Kinagabihan, nag-ihaw kami para sa hapunan namin at nag-celebrate na ng birthday ng dalawa.
"Happy Birthday to you..." sabay-sabay kami kumanta. Dalawa ang cake ang dala namin. Yung isa ay hawak ni Samuel para kay Janice at yung isa ay hawak ni Grant para kay Chris.
"Thank you, guys!"
"Salamat sainyo," sabay nilang sabi habang nakangiti.
"Make a wish," ani Margie. Sabay silang pumikit at hinipan ang kandila sa cake.
Bukas ng hapon ang uwi namin. Sayang lang kasi hindi kami pwedeng magtagal dito dahil may pasok sa monday. Pagkatapos 'non ay bumalik na kami ni Chris sa pag-iihaw. Nakita kong nag-labas ng juice si Grant mula sa cooler. Kami kasi ni Chris ang naka-toka sa pag-iihaw.
"Cath oh," tinanggap iyon mula kay Grant at ininom. Bumalik naman siya sa lamesa para tulungan yung iba sa pag-handa ng pagkain.
"Cath," rinig kong tawag ni Chris saakin.
"Hmm?"
"Kamusta kayo?" Tanong niya.
Na-gets ko naman agad kung sino ang tinutukoy niya. Imbis na sagutin ang tanong ni Chris ay nanatili akong tahimik. Hindi ko rin alam. Pagkatapos nung nangyari sa EK, hindi na kami nag-usap pa. Pati rin sa school ay hindi ko na siya mahagilap.
Dahil kilala ako ni Chris, wala na akong narinig na kasunod na tanong mula sakanya. Ayoko rin naman mag-kwento dahil wala naman kwenta 'yung nangyari. Nag-walk out ako dahil gusto kong intindihin ang sarili ko sa lahat ng mga nasabi ko sakanya.
Pagkatapos namin kumain ay sabay-sabay kami bumalik sa room namin. Dalawa ang room na binook ni Janice. Sa isang room ang magkakasama ay sina Janice, Samuel, Chris at Margie habang kami nila Jean at Grant ay magkakasama.
"Tulog na?" Tanong ni Grant kay Samuel na karga-karga si Janice sa likuran niya. Nakatulog ata habang nag-kukwentuhan kami sa bonfire sa tabing dagat habang kumakain ng marshmallow. Pasakay na kami ng elevator para umakyat sa floor ng room namin.
"Wala naman bago," natatawang sagot sakanya ni Samuel. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas na ang elevator at lahat kami pumasok duon.
"Inaantok na ako."
Agad nabaling ang atensyon ko kay Jean. Naka-sandal siya at nakapikit ang mata. Ala-una na rin at ngayon palang kami babalik sa room namin.
"Hoy, Grant buhatin mo si Jean."
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...