Chapter 19

8 1 9
                                    

"Ihahatid ko na kayo."

"Talaga pre?! 'Wag na, nakakahiya. Magg-grab naman kami ni Cath." Tanggi ni Grant sa offer ni Micheal.

Nag-tama ang tingin namin ni Micheal. Ang sabi kasi ni Micheal habang sumasayaw kami, sinabi niyang ihahatid niya raw ako at um-oo naman ako. 'Yun nga lang nawala sa isip ko si Grant na sasabay pala kami uuwi.

Siniko ko si Grant, "Tara na." Ani ko sakanya.

"Ha?!" Naguguluhan niyang sabi at parang nagulat pa siya dahil sa sinabi ko.

Malakas akong bumuntong hininga, "Sinabi niya na saakin kanina na ihahatid niya ako kaya tara na."

Nalaglag ang panga ni Grant sa sinabi ko. Pinagbuksan naman ako ni Micheal ng pinto na agad akong pumasok sa loob. Ilang sandali pa ay sumunod si Grant sa back seat habang si Micheal ang nasa shot gun seat.

"Umamin ka, anong meron kayo ni Micheal?" Bulong ni Grant saakin habang kinakabit ko ang seatbelt ko.

Nilingon ko siya saka sinagot ang tanong niya. "MU kami, aangal ka?" Matapang na sagot ko sakanya.

Nanlaki ang mata niya at saka napatakip ng bibig dahil sa gulat. Kanina lang ay inaasar niya kami dahil sa ka-sweetan namin at ngayon nalaman niya na may thing kami ni Micheal, ewan ko ba bakit gulat na gulat siya. Iling na natawa nalang ako sa reaksyon niya at sinulayapan si Micheal sa kinauupuan niya.

"Putangina?!" Gulat na bulong ni Grant. "Ay, putcha, kaya naman pala grabe yung langgam kanina."
Hanggang sa makarating kami sa bahay, bumaba rin si Micheal at ako naman ay binigay ang tuxedo niyang suot ko pa rin.

"Salamat," ngiting pasasalamat ko sakanya pagkabigay ko ng tuxedo niya.

Tinanggap niya iyon, "You're welcome."

"Tawagan mo 'ko pag naka-uwi ka na."

"Ay, puta totoo nga," rinig kong sabi ni Grant sa tabi ko.

Pagkatapos 'non ay nag-paalam na ako kay Micheal at si Grant na gulat na gulat parin sa nangyayari ay umalis na rin.

"Pa, gising pa po kayo." Nadatnan ko kasi si Papa na naka-upo sa sofa ulit at nanunuod ng tv.

Nilingon niya ako na nakangiti, "Hinihintay ko lang ang pag-uwi mo 'nak."

Nag-lakad ako palapit kay Papa at nag-mano. "May pasada pa po ba kayo bukas?" Tanong ko. Tumango si Papa. "Dapat po hindi niyo na ako hinintay. Baka po mag-kulang kayo sa tulog," buntong hiningang sambit ko kay Papa.

Masuyo niyang ginulo ang buhok ko, "Ayos lang ako. Umakyat ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na."

Tipid akong ngumiti, "Kayo rin po." Saka umakyat sa kwarto ko. Naligo ako at tinanggal ang make up na nasa mukha ko. Tamang-tama paglabas ko ng banyo, narinig kong nag-riring ang phone ko. Sumilay ang isang ngiti sa labi ko nang makitang si Micheal ang tumatawag saakin.

"Hello," sabi ko nang sinagot ang tawag niya.

[I'm home.]

"Mag-pahinga ka na."

Narinig ko ang buntong-hininga niya, [Okay. Good night, Cath.]

"Good night din, Micheal." At binaba ang tawag.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa kalampog ng kutsara at takip ata ng kaldero. Minulat ko ang mata ko at nakitang si Grant iyon. Inis ko siyang binato ng unan saka tinalukuran siya.
Umagang-umaga! Ano bang ginagawa niya rito sa bahay?!

"Gising! Marami akong katanungan!"

Oo, alam ko pero hindi ba siya makapag-hintay?! Hindi ba siya nakatulog dahil sa nalaman niya?! Bwiset na Santos na 'to.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon