Chapter 9

19 1 0
                                    

"Anong ginagawa niyo rito?"

Tanong ko sa dalawang tao na nakatayo sa gilid namin. Si Micheal at Layla. Bumaba ang tingin ko sa nakahawak braso ni Micheal kung saan ang higpit ng kapit ni Layla na parang any time may mangangain sakanya.

"To eat?" Sagot ni Micheal.

"Micheal, why here? This place is..."

Dumako ang tingin ko sa katabi ni Micheal na si Layla na ngayong nakangiwing nililibot ang tingin sa kabuuan ng kainan.

Aba, ang arte.

Nilingon siya ni Micheal, "Then leave if you don't want to eat here."

Lihim kong kinagat ang labi ko para pigilan ang pagtawa. Nagtama ang mata namin ni Grant at parang nag-uusap ang mata namin kung papaupuin ba namin itong dalawa.

Antagal namin natakatayo bago kami naka-upo 'no! Pero dahil may mabuting konsensya pa ako, tumango nalang ako.

"Upo kayo," ani ko sakanilang dalawa. Akmang uupo na si Micheal sa tabi ko nang pigilan siya ni Layla. Napatingin ako sakanilang dalawa. Ayaw ba nila? Aalis na sila? Mabuti naman kung ganon.

"Hey, can I sit there?" Tanong niya hbang nakaturo pa sa pwesto ko.

"Dito?" Tanong ko. Ano bang meron sa uouan ko at gusto niyang umupo rito?

Tumango siya at pekeng ngumiti. Halatang ayaw mo saakin, gurl. Same here.

Malakas akong bumuntong hininga at kinuha ang bag sa ilalim ng lamesa. Lumipat ako sa tabi ni Grant na ngayong mukhang asong naguguluhan sa nangyayari.

Si Layla naman ay hinila ang kamay ni Micheal saka pinaupo ito. Magkaharap na kami ni Micheal. Pinagmasdan ko lang ang galaw nila na nakatingin sa paligid. First time makapasok dito? Sabagay, baka hindi sila kumakain dito. Sa mamahaling resto ata.

"Nag-order na kayo?" Tanong ni Micheal.

"Oo, pre. Order na rin kayo. Mahaba yung pila," sagot ni Grant.

Kumunot ang noo ni Micheal, "Pila?"

"Oo, duon." Saka tinuro ni Grant ang counter kung saan pumipila ang tao. Anong akala niya, magtatawag ng waiter para mag-order?

"Can we just call some waiter?" Maarteng tanong ni Layla.

"Hindi ito resto. Fast food 'to." Sabi ko sakanya. Kung hindi pala sila pamilyar sa ganitong kainan, bakit pa sila pumunta rito? Nag sasayang lang sila ng oras dahil sa ka-artehan nila.

"Cath, can you come with me?"

Napatingin ako kay Micheal at tumaas ang kilay ko dahil sa tanong niya, "For what?"

"To make some order."

"Bakit? Bata ka ba?" Tanong ko. "Hindi diba? Kaya mo mag-order mag-isa."

"I don't know-"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya, "May nakapaskil na mga pakain, basahin mo. Kung may tanong ka, tanungin mo sa babaeng nasa cashier." Mabilis na sagot ko.

Duh? Use your common sense, Micheal.

"Pasensya na pre, bad trip." Singit ni Grant saakin na ikinairap ko. Wala naman nag-sabi na dito sila kumain tapos ngayon magpapasama dahil lang hindi niya alam.

"I'll come with you nalang, Micheal." Sabi ni Layla. Mabuti pa nga. Kung gusto niyo, umalis nalang kayo para payapa ang pagkain namin.

Habang wala sila, nagsalita ako, "Inaya mo ba yung mga 'yon?" Tanong ko kay Grant.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon