Chapter 26

7 1 0
                                    

"Wait lang Catherine. All of the sudden?!"

Hindi ko napigilang matawa sakanya. Bigla kasi siyang namutla nung sinabi kong nandyan na si Papa. Para siyang tinakasan ng dugo.

Lumapit ako sakanya dahil naka-upo parin siya at kinuha ang kamay niya. "Tara na. Nag hihintay 'yon."

"Should we cancel our date? Let's have lunch together with your Papa."

Umiling ako, "Hindi pwede. Papasada pa 'yun." Sagot ko sakanya. Isang tango lang ang ginawa niya saka tumayo. Magkahawak kamay na bumaba kami ng building at naglakad papuntang gate. Malayo palang ay nakita ko na si Papa na naka-tayo sa gilid, kausap yung guard.

"Pa!"

"Fuck."

Pinukulan ko ng masamang tingin si Micheal. Para siyang tanga sa tabi ko. Mabait naman si Papa ah. Magugulat lang siya na may ipapakilala akong boyfriend sakanya. Hindi naman siya strikto pagdating sa boyfriend. Basta nag-aaral ako ng mabuti.

Lumingon sa gawi namin si Papa at mabilis kong hinatak si Micheal hanggang sa makalapit kami kay Papa. Nakita ko pa ang pag-pawi ng ngiti niya nang makita niyang mag-kahawak ang kamay namin ni Micheal. Tinignan niya pa ako at pinanlakihan ako ng mata na parang nag-tatanong kung anong meron.

Tumikhim ako, "Pa, si Micheal. Boyfriend ko. Micheal, si Papa nga pala." Pakilala ko sakanilang dalawa sa isa't-isa. Nalaglag ang panga ni Papa. Sige na, OA na siya pero valid naman ang reaksyon niya. Naiintindihan ko.

Sino ba kasi naman na anak na bigla-bigla nalang magpapakilala ng boyfriend? Wala akong binanggit sakanila ni Mama tungkol saamin ni Micheal. Maging mismo si Micheal hindi nila kilala. Hindi rin nila naabutan si Micheal tuwing ihahatid niya ako o susunduin dahil sa trabaho na sila 'non. Nakakagulat naman talaga.

"A-Ahh... ganun ba?" Sabi ni Papa nang makabawi siya sa pagkakagulat niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-tawa ko. "H-Hello. Ahh... Ako nga pala ang Papa ni Catherine. Nice to meet you, Micheal."

Malaking ngumiti si Micheal at nilahad ang kamay niya, "Nice to meet you po, Sir."

"Ay! Tito nalang! Masyadong... Masyadong... basta. Tito nalang," nauutal na sambit ni Papa. "Pwedeng mag-tanong?"

"Yes po."

"Pasensya ka na ah? Maliban kasi kay Grant at kay Samuel, wala na akong kilalang lalake na umaaligidgid kay Cath. Pero nanligaw ka ba sa anak ko?"

Hindi ko na napigilang hindi matawa. Bahala sila riyan. Usapang lalake 'yan. Kaya na ni Micheal 'yan. Tinignan ko si Micheal at parang nanghihinga siya ng tulong saakin.

Ang sabi ko lang kay Micheal nuon, getting to know each other muna. Siguro masasabi ko na panliligaw 'yon dahil inaalagaan naman niya ako. Hinahatid tapos sinusundo rin. Nagkakasalisi lang talaga sila nila Papa kaya hindi ko siya napakilala rito.

"I... I think so po, Tito." Hindi sure niyang sagot at saglit pa akong sinulyapan. Kaya mo 'yan.

Napatango naman si Papa. "Okay," saka lumipat ang tingin saakin. "Tara na 'nak, kunin na natin card mo." Naka-ngiting sabi niya saakin.

Tumango lang ako kay Papa saka kami nag-simulang mag-lakad pabalik ng room. "Nakuha mo na card mo?" Tanong ko kay Micheal.

Tinaas niya ang hawak niya envelope. "Yup."

"Wala na naman kumuha? Parents mo?" Kunot-noo kong tanong.

"Work," mabilis niyang sagot at ngumiti saakin. "Its fine. They already know my grades. Mom already talked to my adviser."

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon