Chapter 20

4 1 0
                                    

"Long time no see, Pres!"

Bakit ang bilis ng araw? Bakit pasukan na ulit? Wala na bang i-eextend yung bakasyon namin? 'Yun na 'yon? As in? Parang pumikit lang ako tapos pasukan na ulit. At dahil summer job lang naman yung pinag-applyan ko, balik focus ulit sa pag-aaral.

"Bakit may Physics tayo?!" Rinig kong tanong ni Grant sa tabi ko. First day of class, as usual marami pang nasa probinsya at mukhang sinusulit nila ang bakasyon nila.

"Ngayon ka lang nainform?" Puno ng sarkasmong sagot ko sakanya.

Ang malas dahil last subject namin tuwing thursday at friday sa physics tapos dalawang oras pa. Dalawang oras na pigaan ng numbers.

Hindi tulad last year, wala ng introduce your name dahil grade 12 na kami at kami-kami pa rin naman ang magkaka-klase nuong nakaraang tanong. May tatlong kaming bagong transferee. Puro lalake pa. Dagdag ingay sa room. Joke lang.

"Pres!" Tamad kong nilingon si Adam. "Asan daw yung computer lab?" Tanong niya.

"Bakit hindi mo ituro?" Kailangan ako pa?

"Ikaw na! Naniningil kami rito ng funds! Samahan mo lang. Kawawa naman kung ma-late sa first sub nila."

Bwiset naman. Napa-irap nalang ako saka tumayo at pinuntahan ang tatlong lalake na transferee.

"Sumunod kayo," ani ko sakanila at naunang lumabas ng room. Naramdaman ko naman na sumusunod sila saakin sa likod ko.

"Ikaw pala yung president namin," rinig kong sabi ng isa. Obvious naman diba? Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya. Inaantok din ako dahil kay Micheal, inabot kami ng ala-una sa pag-uusap.

Nang makarating kami sa computer lab ay hinarap ko sila, "Natandaan niyo naman yung daan diba?" Tanong ko sakanila.

Akmang sasagot na sana sila nang may nag-salita sa gilid ko, "Catherine." Lahat kami napalingon sa taong 'yon.

Nang makita kong si Micheal iyon ay nginitian ko siya at tinignan ulit ang tatlong transferee kong kaklase, "Pagkatapos niyo bumalik agad kayo kung may filipino subject kayo. Strict ang teacher natin doon kaya kung ako sainyo, umayos kayo." Paalala ko sakanila.

Baka naman magulat sila sa sobrang terror ng filipino subject namin. Magaling naman mag-turo pero andami lang pinapakabisado dahil naging teacher na namin siya last year.

Tiningala ko si Micheal, "Wala pa kayong klase?" Tanong ko at nagsimula na kaming mag-lakad.

"Who are they?" Kunot-noo niyang tanong.

"Ahh, transferees."

Napatango naman siya, "Sabay tayo mag-lunch mamaya."

"Kasabay ko si Grant."

"E, 'di sasama rin ako."

Well, sabay-sabay naman lahat ng section tuwing luch break. Kaya maraming tao sa canteen dahil sabay-sabay. Malas lang kapag nag-overtime ang research namin dahil mauubusan kami ng pagkain o kaya wala na kaming mauupuan sa canteen.

"Ito na nga sinasabi ni Samuel! Ito na ang simula ng pagiging third wheel ko!"

Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Ang ingay ng kasama ko. Kung maka-maktol akala mo kakatayin na siya. Sinabi ko lang naman na sasabay si Micheal saamin sa lunch. 'Yon lang pero andami niyang side comments.

Nang makarating kami sa canteen, agad kong hinanap si Micheal. "-wala kayong pakundangan sa single! Grabe! Alam ko naman na ako ang bespren mo pero- uy si Micheal! Pre! Hello!"

Duality nga naman.

Ngiting napailing nalang ako at sumunod kay Grant na nauna nang nilapitan si Micheal na nakaupo. Mukhang hinihintay ata kami.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon