Chapter 39

8 1 0
                                    

"Konting tiis nalang, Christmas break na."

Mahinang napaa-iling nalang ako sa sinabi ni Mila na nasa tabi ko. Sinulyapan ko naman ang isa ko pang katabi na nakahiga ang ulo sa lamesa at payapang natutulog.

"Sana all tulog diba?" Rinig kong sambit ni Mila at sinilip si Vernon. "Kainggit ng brain cells niyang lalake na 'yan. Pa-petiks petiks lang pero pumapasa."

"Baka nag-aaral sa bahay nila at hindi rito," anang ko. Sobrang bilis lumipas ng araw at mabilis din natapos ang semester namin. Pagkatapos ng semester namin, si Vernon na mismo ang lumapit saamin ni Mila. Okay naman kaming tatlo at balik normal na ang lahat.

Natapos na rin ag kontrata ko sa pinapasukan kong part time job sa cafe. Agad naman akong tinulungan ni Chris sa sinasabi niyang coffee shop. Part time parin ako at ganun parin ang sched ko. After school.

Muli kong binalik ang atensyon ko sa pag-aaral. Walang prof pero sinisimulan ko na ang mga assignments na binigay saamin. Ayoko lang tumambak ang mga gawain ko during Christmas break dahil may trabaho parin ako.

Lumipas ang birthday ko, isang simpleng salu-salo lang ang naganap sa bahay. Inimbita ko rin si Vernon at Mila. Nagulat pa ako dahil magka-kilala si Vernon at Chris. Ang sabi ni Chris ay naging mag-katrabaho raw sila dati. Small world huh?

[Asaan ka na, Catherine?]

Inipit ko ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko saka nag-mamadaling niligpit ang gamit ko sa locker. "Paalis na po, Ma." Sagot ko.

[Bilisan mo.] Mariing sambit ni Mama na mas lalong ikinabilis ng kilos ko. Araw ng pasko ngayon at tulad ng tradisyon ng pamilya namin, nag-sisimba kami. At dahil may part time ako, syempre hindi naman pwedeng umabsent dahil sayang ang araw pero maaga naman ako mag-oout.

"Opo."

[Yari ka saakin kapag nag-simula na ang misa at wala ka parin dito.]

"Opo. Ito na nga po. Aalis na po." Buntong-hiningang sambit ko.

[Mag-ingat ka papunta rito.]

"Opo," saka binaba na ang tawag at lumabas ng locker room para mag-paalam sa mga kasamahan ko.

Mabilis akong nag-lakad at pumara ng jeep papuntang Sto. Domingo kung saan kami laging nag-sisimba. Habang nasa jeep ako, panay tingin ko sa orasan. Naiintindihan ko nama kung bakit pinagmamadali ako ni Mama. Baka kasi maagawan o maubusan ako ng pwesto lalo na't pasko ngayon.

Nang makarating ako sa tapat ng simbahan ay pumara ako at mabilis na bumaba. Lakad-takbo ang ginawa ko papasok. Medyo nagutom din ako dahil naamoy ko ang bibinkang niluluto sa labas ng simbahan.

Agad kong nilinga ang tingin ko habang dahan-dahang lumakad para mahanap kung saang pwesto ang magulang ko. Nang makita ko na sila ay nag-lakad ako papunta sakanila.

"Ma, Pa," tawag ko na ikinalingon nila. Maliit ang ngiting nag-mano ako sakanila. Napansin ko na nakasalubong ang kilay ni Papa. "Bakit Pa?" Tanong ko.

"Si Micheal?"

"Diba po nasabihan ko na po kayo na hindi natin siya makakasama ngayon dahil mag-cecelebrate sila ng magulang nila," sagot ko. Masaya ako na natupad narin ang celebration ng pamilya nila. Sobrang saya ko para kay Micheal at sana ito ang panahon na magkaroon sila ng closure ng magulang niya.

Napakamot sa ulo si Papa nang sagutin ko ang tanong niya. "Ganun ba? Nakalimutan ko, 'nak. Pasenya na. Ulyanin na ang Papa mo."

Ngumiti ako, "Ayos lang po iyon."

"Pero pupunta ba siya mamaya?"

"Hindi ko po alam," kibit-balikat kong sagot.

Tumahimik na rin ako nang mag-simula na ang misa. Pagkatapos ay umuwi rin agad kami para mag-noche buena. Nag-palit lang ako ng spaghetti white shirt tucked in to faded high-waist shorts tapos nag-suot ako ng puting long-sleeve na bukas lahat ang butones. Nag-lagay ako ng kaunting make-up dahil mukha na akong haggard lalo na't galing ako sa trabaho.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon