Hello! Today is the 1st year Anniversary of First Signs of Fall and I thought writing a special chapter for you, Cath, Micheal, and the new member of the family! I hope you like it!
"Are you ready?"
Nakanguso akong tumango sa sagot ni Micheal. Nakatayo lang ako sa habang siya ay busy sa paglagay ng mga duffel bag sa likod ng sasakyan.
"Pwede bang mag-back out?" Tanong ko sakanya. Narinig ko ang tawa niya saka lumapit saakin. He cupped my face and kissed my forehead.
"Hon, you're about to give birth. Ngayon ka pa mag-baback out?"
"Kinakabahan ako."
He smiled, "It's normal to be nervous, Cath."
"Baka hindi ko kayanin 'yung sakit." I can't lie to my husband that I'm cool on what's happening today or tomorrow. I'm seriously nervous right now at the same time excited.
"I'll be there. I know there's no way that I'll feel the pain while you are giving birth, but I promise we will welcome our son together. Okay?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Malamang. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito."
"Excuse me? You have share too. Bakit ako lang? Sino kaya saatin nasarapan noong honeymoon sa Bali-"
"Tangina mo talaga!" Singhal ko sakanya at marahas na hinawi ang dalawang kamay niyang nasa pisngi ko. Kahit kailan talaga tarantado siya! Nauna na akong mag-lakad papunta sa passenger seat pero agad akong nasundan ni Micheal at pinagbuksan ng pinto.
"Catherine, don't say bad words again." Mariin niyang sambit. Ayaw niya kasi nagmumura ako. Baka raw marinig at maintindihan ng anak namin.
"Opo. Sorry."
"Get in the car na," ngayon ay mahinahon na ang boses niya. Sumakay ako at siya naman ay umikot saka sumakay sa driver seat.
Habang nasa daan kami, tumunog ang phone ni Micheal.
"It's Mom. Can you answer my phone, hon?" Tanong ni Micheal habang diretsong nakatingin sa harap.
"Sure," sagot ko. Inabot niya ang phone niya saakin. I immediately answered Mom's call. "Mom? This is Cath po."
[Catherine! Hello, hija. Is it true you're going to the hospital today?] Tanong ni Mom.
"Yes po. I'm starting to have contraction po last night and my water just broke after we ate breakfast earlier."
[Oh god. Are you okay? How's the pain? Is it terrible na ba? Saang hospital kayo? We will come.]
Mahina akong natawa dahil sa sunod-sunod na tanong ni Mom. I could sense she's nervous but she's trying to hide it.
"I'm okay, Mom. The pain is about 3 palang naman."
Narinig ko ang malakas na pag-buntong-hininga niya. [Alright. Where's Micheal?]
"Nagmamaneho po." Tinapat ko ang phone sa tenga ni Micheal para makausap niya si Mom. "Hinahanap ka ni Mom."
"Mom? Yes, papunta na... Opo, I'm going to be careful... Yes, I'll update you. I promise. Okay. Bye."
Pagkatapos ay nilayo ko na ang phone sa tenga niya. Nilagay ko iyon sa maliit na shoulder bag ko. Nang makarating kami sa hospital ay pinaupo ako ni Micheal. Tatawagan niya muna raw si Dr. Bores, our Ob-gyne. Sabi ni Micheal, magaling raw si Dr. Bores kaya iyon ang pinili niya. Wala naman saakin kung sino basta okay ang anak namin.
Nang bumalik si Micheal, may room na raw ako. Wow. Connections nga naman. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon sakanya. Sumakay kami ng elevator. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ng asawa ko nang maramdaman ulit ang hapdi na may kasamang kirot sa tyan ko. Ang isang kamay ay napahawak sa braso niya.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomantikSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...