Chapter 5

13 2 0
                                    

"At bakit mo naman natanong?"

Tumaas ang isang kilay niya, "I asked you first. Answer my question before I answer your question." Magsasalita na sana ako para mag-protesta nang nag-salita ulit siya, "If you don't, babawiin ko 'yung sinabi ko kanina."

Okay. Fine. Kumalma ka, Catherine. Ikaw ang may atraso. Ikaw yung nanapak. Ikaw 'yung nakasakit. Ibaba na natin ang punyetang pride na 'to.

"Yes. I am," maikling sagot ko. Napangisi naman siya sa sagot ko.

"Okay then. See you tomorrow."

Nalaglag ang panga ko. Anong see you tomorrow ang sinasabi niya?!

"A-Ano?! Hoy, busy pala ako bukas! I'll take it back!"

"I really don't have a time. I have review class today so, see you tomorrow, Catherine," mabilis niyang sabi niya at nagmamadaling binitbit ang bag niya saka tumakbo papalayo. Naiwan akong nakatulala. What just happened?! "Oh! By the way, follow back!" Dagdag niya pa.

Pag-uwi ko, saka lang nag-sink in sa utak ko ang napag-usapan namin ni Micheal. Putcha. Kaya ayoko ng utang na loob eh! Shit! Siguro 'yung pagsapak ko sakanya ang pinakamalas kong ginawa sa tana ng buhay ko. Nagsorry naman ako ah! Bakit andami niyang pakulo sa buhay?! Bakit kailangan pa namin mag-kita bukas?!

Napahilamos ako ng mukha ko at pinagpapa-padyak ang paa sa hangin. Sobrang frustrated ako sa sarili ko ngayon. Bwiset! Bwiset ka, Micheal! Lintik ka talagang lalake ka. May araw ka rin!

Sa kalagitnaan ng pakikipagtalo ko sa sarili ko ay tumunog ang phone ko na nasa tabi ko lang. Sino nanaman ba itong nangingi-alam sa gabi
ko?

jmdechavez sent you a message

Kumunot ang noo ko nang makita ang username ni Micheal sa instagram ko. Ano bang kailangan nitong lalake na 'to at dis oras ng gabi, nanggagambala? Binuksan ko iyon at
binasa ang message niya saakin.

jmdechavez: still up?

cathisag: mama mo still up.

Badtrip ako sakanya. Imbis na pahinga ko lang bukas, gigising ulit ako ng maaga dahil sa pakulo niya. Sincere naman ako sa sorry ko kanina ah! Bakit hindi niya tinanggap?! Bakit ba namin kailangan mag-kita?

jmdechavez: you're right.

cathisag: ano bang kailangan mo?

jmdechavez: i can't sleep.

cathisag: so? gusto mo tapikin kita sa pwet mo habang nanonood ka ng cocomelon?

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ko. Minsan talaga Catherine, siraulo ka. Inaamin ko ngayong gabi 'yan.

jmdechavez: wth on earth is cocomelon? at tatapikin? what am i? a baby?

cathisag: educational video. try it.

jmdechavez: okay, i'll watch it later.

cathisag: ok.

jmdechavez: don't be late tomorrow.

cathisag: let's see that.

At dahil may isang salita ako ay 9AM palang ay gising na ako. Naligo at nagbihis ako. I wear yellow croptop and black high-waisted shorts. Pinaresan ko ng low-cut na white shoes. Naglagay din ako ng manipis na make-up at winged eyeliner. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok at kumuha ng isang maliit na shoulder back saka duon inilagay ang cellphone, wallet, susi, pulbo at liptint ko.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon