Chapter 43

7 1 0
                                    

Naibagsak ko ang phone na hawak ko.

He lied.

He fucking lied to me.

Why?

Para akong nabingi sa narinig kong sagot kay Micheal. Wala akong marinig kahit ano maliban sa paulit-ulit na sagot ni Micheal sa utak ko. Nanatili ang mata kong nanlalabo parin habang naglalakd pabalik si Micheal sa lamesa kung nasaan si Layla at ang Mama niya. Nakangiti. Masayang nakikihalubilo at nakikipag usap si Micheal.

Ganito ba ang pinagkakaabalahan niya sa tuwing wala ako sa tabi niya? Ganyan ba siya makangiti kapag wala ako? Masaya ba siya?

Nag-uunahan ulit bumagsak ang luhang namuo sa mga mata ko kasabay ang pag-tuptop ko sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Parang natutunaw na kandila na unti-unting napa-upo. Pakiramdam ko durog na durog ako ngayon. Hindi ako makahinga ng maayos sa lahat ng nakita at narinig ko galing kay Micheal.

"Cath!" Sigaw ni Mila at napa-upo rin sa tabi ko. "Oh god! Shh," niyakap ninya ako. Tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Nakakahiya. Nakita pa nila akong ganito. 'Di 'man nila narinig ang mga sinabi ni Micheal saakin, alam ko na alam nila base pa lang sa pag-iyak ko ngayon.

Bakit?

Bakit siya nag-sinungaling saakin? Anong meron? Alam niya malaki ang tiwala ko sa sakanya. Sobrang laki dahil alam ko, hindi siya mag-sisinungaling ng ganito saakin.

"Tahan na, Cath." Pag-aalo ni Mila. Tumango-tango lang ako bilang sagot. Wala akong lakas mag-salita dahil sa pag-iyak ko. Nawala pa sa isip ko na nasa mall pala kami. Nakakahiya pang umiyak ako sa harap nila.

Gamit ang likod ng kamay ko, pinunasan ko ang basa kong pisngi at tumayo. Hinawakan ni Mila ang siko ko para sana tulungan ako pero kaya ko naman. Nakatungo akong natayo sa harap nila dahil sa hiya.

"Panyo," ani Grant at inabutan ito saakin. Walang imik ko iyon tinanggap tsaka pinunasan ang mukha ko.

Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay namamanhid ang buong katawan ko at parang nakalutang ako kahit nakatayo naman ako. Para akong sinampal ng napakalakas.

"Pre, ako nalang mag-hahatid sakanya. Okay lang ba?" Rinig kong tanong ni Grant. Hindi ko alam kung sino sakanila ni Mila o ni Vernon.

"Sige lang. Bukas nalang kami pupunta sa bahay nila." Sagot ni Vernon.

Hinawakan ni Grant ang kamay ko. Akala ko ay aalis na kami nang magulat ako nang dambaan ako ng yakap ni Mila. "Magiging okay din ang lahat ha? Pupunta kami bukas para tulungan ka. It may sound rude or selfish but... cry after our mid-terms. Ayokong bumagsak ka, Catherine."

Hindi ko namalayan na may nahulog ulit na luha sa mata ko. My body went numb. I felt someone squeezing my heart making me hard to breathe. All I can think is why did he lied to me? Pain of lies and full of why's. Sobrang wrong timing ng nangyayari.

"Promise me." Ani Mila. "Pagkatapos ng exam natin, you can cry as much as you want."

Tumango ako at niyakap siya pabalik, mahigpit. Pagkatapos ay hinila na ako ni Grant para mag-simulang mag-lakad papaalis. Saka lang ako nag-lakas ng loob na iangat ang ulo ko. Nag-tama agad ang mata naming ni Vernon. Ngumiti ako kahit tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng luha ko sa pisngi ko.

"G-Grant..." hikbing tawag ko sakanya. Napatigil siya sa pag-suot saakin ng helmet at tinignan niya ako. "Bakit..." Andami kong tanong sa isip ko pero iyon lang ang laging lumalabas sa bibig ko. Ang tanga ko rin dahil si Grant ang tinatanong ko e, wala naman siyang maiisasagot saakin at hindi niya rin naman alam dahil hindi siya si Micheal.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon