Chapter 23

6 1 0
                                    

"No, no, Cath. Wrong formula. 'Diba, I told you to memorized those formula that I gave to you last week?"

Parang gusto kong bawiin yung pag-payag ko na i-tutor niya ako para sa paparating namin na exam. Andito kami ngayon sa isang cafe na malapit sa school at dito kami nag kakaroon ng session sa pag-aaral.

Malakas akong bumuntong-hininga, "Wait lang kasi, Micheal. 'Yung utak ko hindi na kinakaya yung informations." Dalawang oras na kami rito nag-aaral. Walang pahinga-pahinga, grabe.

Nang matapos ang klase namin dalawa ay dito kami dumiretso. Saktong wala siyang review class ngayong araw kaya napag-desisyonan namin na ngayon kami mag-aral ng sabay. Hindi ko naman alam na ang strict pala nitong lalake na 'to. Nakakapangsisi na pumayag ako.

"No, there's still a problem you need to-"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya, "Pagod na ako. Kahit 5 mins lang, please?" Malambing na sabi ko sakanya. Sumasakit na talaga ang ulo ko dahil sa mga math problems na 'yan.

Nakita kong binitawan niya na ang ballpen na hawak niya at tinapik ang balikat niya. Malaki akong ngumiti at agad na ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. I won!

Napapikit ako nang maramdaman ang marahang paghaplos ni Micheal sa buhok ko. Ang hirap pala mag-multi task. Iniisip ko kung paano nakaya 'to ni Micheal. Grabe, too much info's! Pag-uwi ko, mag-aaral pa ako dahil may quiz pa kami.

"Paano mo nakaya?" Out of nowhere kong tanong sakanya. I'm just curious how he managed this. Dalawang oras pa ngalang ubos na ubos na yung lakas ko. Paano pa kaya kapag buong araw.

"Hmm?"

"'Yung review class mo. The thesis. Pressure. Everything." Mahinang sambit ko sakanya. Inangat ko ang ulo ko para tignan niya at nilingon niya naman ako mula sa balikat niya. "Hindi ka ba napapagod? Ako kasi sobrang pagod na," nakanguso kong sabi sakanya. "Lalabas ba talaga 'yang mga tinuturo mo saakin? Baka hindi naman ah! Sayang yung capacity ng utak ko."

Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Bahala siya riyan. Basta ako, drained na drained na ako sa pesteng math na 'yan. Pagkabisaduhin niyo nalang ako ng terms matutuwa pa ako.

'Di nag-tagal, umalis si Micheal para bumili ng pagkain para saamin dalawa at para raw magka-energy ako sa pagsolve ng problem. Hindi talaga ako nakaligtas sa pagtuturo niya. Firm siya kung magturo. Walang patawad ang gago. Pero kapag may mali naman ako, step by step ay tinuturo niya. Hindi ko alam kung hulog ba siya ng itaas ko o nagkatawang tao mula sa ibaba.

"Take a rest muna," mahinang sambit niya pagkarating namin sa tapat ng bahay. Hinatid niya ulit ako at nakatulog pa ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pagkatapos mo akong pagurin- I mean yung utak ko, sasabihin mo 'yan." Inis kong sabi sakanya.

"Let's study again. This time, its Science."

"Ewan ko sayo."

Pagpasok ko sa bahay, nag bihis muna ako bago nagluto para dire-diretso ang pag-aaral ko. Ayoko lang matambakan ng mga gawain. Mahirap mag-habol ng grades. Sa sala ulit ako nag-aral at dahil rin inaabangan ko sila Mama sa pag-uwi nila para sabay-sabay kaming kumain ng hapunan.

Sa kalagitnaan ng pag-aaral ko, hindi ko na namalayan na nakatulog ako at nakahiga na ako sa sofa. Paano ako napunta rito? Naka-upo ako sa sahig kanina ah.

"'Nak."

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita si Papa. Dumating na sila? Nakatulog na naman ako? Anong oras na?

Mabilis akong bumangon at nag-mano kay Papa. Sinulyapan ko ang orasan at nakitang alas-dos na. Takte, antagal kong nakatulog ah!

"Pa, kumain po kayo?"

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon