Chapter 42

9 1 2
                                    

"Papunta ka na?"

[Yes. I told you, babawi ako.]

Napangiti ako. Agad ko naramdaman ang titig ng dalawang nasa tabi ko na si Mila at Vernon. Uwian na namin at nakatanggap ako ng tawag mula kay Micheal, sinabing babawi raw siya saakin tulad ng pinangako niya saakin nuong sinundo niya ang Mama niya sa airport.

"Kakain tayo?" Masayang tanong ko. Nakakagutom ang lecture namin ngayon. Ilang oras ba naman 'yon, ka-umay minsan pero syempre no choice kundi makinig.

[Is that what you want? Malapit na ako.]

"E, pag-katapos natin kumain? Saan tayo? Malapit ka na? Palabas na kami."

[Let's decide after we eat.]

Pagkatapos ay nag-paalam na kami sa isa't-isa at binaba ang tawag.

Napalingon ako sa gilid ko nang ikawit ni Mila ang braso niya sa braso ko. "May date ulit?" Tanong niya.

Ngiting tumango ako habang binubulsa ang phone ko. "Oo, babawi raw siya."

"Bakit? Anyare? 'Di natuloy yung last date niyo?"

"Natuloy naman kaso tumawag 'yung Mama niya at kailangan siya kaya nauna muna siyang umalis tsaka okay lang. Mama naman niya 'yon."

"Talaga? Ang ganda naman ng timing ng Mama niya," ani Mila. Nawalan ako ng imik at hindi alam ang isasagot ko. Wala silang kaalam-alam tungkol sa pakikitungo ng Mama ni Micheal saakin.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makalabas kami ng school at agad kong nakita ang nakaparadang kotse ni Micheal. Humarap ako kila Vernon at Mila para mag-paalam saka lakad-takbong pumunta sa kotse saka pumasok roon.

"Hi," bungad na sambit ni Micheal at tulad ng dati ay ginawaran ako ng halik sa labi. "How are you?"

"Heto, pagod at gutom." Sagot ko habang kinakabit ang seatbelt ko at sinandal ang likod sa upuan saka napapikit.

"Let's go to mall? Doon nalang tayo kumain?"

"Ikaw bahala basta kasama kita," mahinang sagot ko.

Narinig ko ang mahinang pag-tawa niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kamay niya. "That's so sweet of you, Cath."

"Dapat nga ikaw maging sweet saakin ngayon." Biro ko.

"Yeah, I know. I'm sorry," buntong hiningang sambit niya.

Dumilat ako at tinignan siya. Nasa manibela ang kaliwang kamay niya habang ang kanan ay hawak-hawak niya at naka-tapat sa labi niya. Pinapaulanan niya ang likod ng kamay ko ng mararahang halik at mariing nakatuon ang tingin sa daan.

"Okay lang. Kamusta kayo ng Mama mo?" Malumanay kong tanong.

"She's staying here for a while. 'Yon ang sinagot niya nung tanungin ko siya."

"Ang Papa mo?"

"Work? Out of the country. I don't know which country."

"E 'di lagi mo ng makakasama ang Mama mo," nakangiting sabi ko.

"Which is weird," aniya at saglit akong sinulyapan bago binalik ang atensyon sa harap. "Mom always with dad. Hindi ko alam kung bakit nag-decide siya na bumalik dito."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "'Wag nga ganyan sinasabi mo. Mama mo 'yon at baka gusto makasama ka. Malay mo bumabawi." Pag-chicheer up ko sakanya. Ramdam ko naman na mahal siya ng Mama niya pero dahil nga sa trabaho ay hindi naipapakita at naipaparamdam iyon ng Mama niya.

Nag-kibit balikat siya, "Kung kailan sobrang busy ko na? Wrong timing."

"At least nag-eeffort yung Mama mo."

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon