Prologue

50 2 0
                                    

"What do you want?"

[Oh, mon cher ami. Je ne te mantue pas?] Oh,my dear friend, don't you miss me?

Bumuga ako ng malakas na hangin at napa-iling. Home-sick na ata 'tong tumawag saakin. Hindi pa nakakatagal ng isang taon pero tawag ng tawag saakin. Sa dami niyang pag-pipilian saamin magka-kaibigan, ako ang napili niyang bulabugin.

"Je vois. Apprenant rapide." I see. Fast learner.

[Oui! Parce que je suis né intelligent et beau.] Yes, I am! Because I'm born smart and beautiful.

Mahina akong natawa sa sinagot niya saakin. "Are you home-sick?" tanong ko.

[Pas tant que ça. Wala akong kausap dito, e. That's why I'm bugging you.]

Sabi na nga ba, e.

"Pinapaalala ko lang timezone natin ha? Kung kailan pauwi na ako galing trabaho, saka mo 'ko tatawagan."

Mahina siyang natawa. [Vous me manques.] I miss you.

Agad umasim ang mukha ko, "S' il te plaît, va en enfer." Please, go to hell. At inis na pinatay ang tawag. Itinukod ko ang kaliwang braso ko sa bintana at isinandal ang ulo ko sa kamay ko sabay nakangiting umiling.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong nabuburyo na rin siya sa Switzerland. She even threw a farewell party. Well, kami lang mga girls pero humabol 'yung dalawang lalake sa airport para ihatid siya. Wala kaming ka-alam alam kung hanggang kailan siya roon pero I hope she found a peace of mind there.

Pag-uwi ko sa condo ay agad kong sinalampak ang katawan ko sa sofa. I grunted because of tiredness. Andaming pasyente kanina. Ilang minuto akong nanatili sa sofa saka tumayo para maligo. Bukas nalang ako kakain pag-gising dahil ang katawan ko ay pagod na pagod na dahil sa shift.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa duty ko. Naligo ako at inayos ang sarili ko bago umalis ng condo ko.

"Cath, balita ko may bagong doctor daw tayo ngayon."

Napailing nalang ako sa sa sinabi ni Aubrey saakin habang nagbabasa ako ng chart ng isang patient. Kapag may bago talagang doctor dito, naiintriga ang kambal na 'to. Sanay na ako sakanila at hindi ako interesado as long as ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko.

"At sobrang swerte natin dahil dito siya sa department natin! Omg! Can't wait! Sayang at uuwi na si Cath mamayang umaga, hindi niya maabutan ang bagong baby doc natin," ani naman ng kakambal niyang si Audrey.

Siniko ako ni Aubrey na ikinatingin ko sakanya. "Baka gusto mong hintayin at i-welcome ang baby doc," nakangising sabi niya saakin.

Inirapan ko siya saka ibinalik ang atensyon sa chart na nasa harap ko. "Mas mahalaga ang tulog ko kesa sa kanya," ani ko at muli siyang tinignan, "tsaka wala akong balak mag-karoon ng love life ngayon."

"Ang sabihin mo, bitter ka lang!" Sabay mahina akong hinampas ni Audrey. Ito talagang kambal na doctor na 'to. Ako lagi pinagtitripan! Binubugaw pa ako sa parating na doctor sa department namin. Hindi ko nga alam bakit ako lagi nilang binebenta. Kahit din sa ibang department dito sa hospital.

Buti nalang ay nilubayan na nila ako dahil may rounds pa sila. Naging payapa ulit ang pagtatrabaho ko. Kinagabihan ay nag-out na ako. Habang naglalakad papuntang car park ay para akong lantang gulay. Kinuha ko sa bag ko ang susi ng kotse ko. I pressed the button to unlock my car.

Pag-uwi ko sa condo, hindi na muna ako nag-balak kumain at naligo muna bago matulog. Nagising ako dahil naalimpungatan ako.
Tumayo na ako para kumain ng hapunan.

Sirang-sira na ang life style ko dahil sa duty ko pero ayos lang, at least kumikita na ako sa pinagpaguran ko. I'm not depending to someone anymore.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon