Chapter 58

9 1 1
                                    

"It's nice to see you again but I'm really shocked right now."

Napakamot ako sa ulo ko at mahinang natawa sa sinabi ni Doc. Laine. Hindi ko naman siya masisisi na sa ganitong paraan ulit kami mag-kikita at mag-kakausap muli pagkatapos ng nangyari sa Palawan. Iyon din ang huli namin pagkikita. Masyado kasing malaki at malawak ang ospital para mag-kita kami.

"Parang nuong nasa Palawan lang tayo, inaasar pa kita kay Dr. De Chavez tapos malalaman ko he set an appointment to me and the patient, is you?" Natatawang aniya.

"Maraming nangyari." Iyon nalang ang masabi ko sakanya.

Nag-tama ang mata namin at tinuro ang clinical chair, "Take a seat."

Naglakad ako papunta sa tinuro niyang clinical chair. And I was seating there, it's so weird. Hindi pa naman ako nakakapunta sa oby-gyne. This is my first time.

Kinuha ni Dr. Laine ang stool at tinabi iyon sa gilid ko.

"So, what brings you here?" Tanong niya.

"Uhm... check-up po, doc."

"Be specific."

"Prescription for pills po."

Marahan siyang tumango saka kinuha ang clip board at ballpen.

"Are you sexually active?"

Saglit akong natigilan sa unang tanong niya pero agad din nakabawi dahil nakatitig saakin si doktora.

"Y-Yes po..." Pakiramdam ko sobrang init ng pisngi ko ngayon.

"Have you had your monthly period?"

Umiling ako.

"Do you have some symptoms like vominting? Nasuea?"

"No po, doc."

"Felt like light headed? Always tired?"

"No."

Tumango siya saka tumayo. Sinundan ko ang galaw ni Dr. Laine. Pumunta siya sa isang counter table at binuksan ang isang drawer. Pag-kaharap niya ay nakita ko ang dalawang box ng PT sa kamay niya.

Nang makalapit siya saakin ay binigay niya saakin 'yon at agad ko naman kinuha. This is really weird feeling to me.

"I also want to run a blood test to make sure everything," ani Dr. Laine. "The bathroom is there."

Pumasok ako sa banyo dala-dala ang dalawang box ng PT. Pag-katapos kong gawin ang dapat kong gawin ay malakas akong bumuga ng hangin habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. I wasn't really expecting something. Kaya hindi na ako nagulat nang makita ang isang linya ng parehas ng PT.

Lumabas ako at binigay iyon ay Dr. Laine. Kinuhaan niya rin ako ng dugo tulad ng sabi niya saakin kanina.

"I will text Dr. De Chavez when the result of your blood test is out. You can have some lunch while waiting."

Maliit akong ngumiti kay Dr. Laine saka tumayo sa kinauupuan ko, "Thank you po, doc."

"My pleasure."

Nag-paalam ulit ako sakanya bago lumabas ng clinic niya.

"Cath?" Rinig kong may tumawag sa likuran ko at nilingon ko ito. Sabay nanlaki ang mata namin ni Dominic nang makita namin ang isa't-isa. Saglit niyang inalis ang tingin saakin at tinignan ang likuran ko saka muling binalik ang mata saakin. "G-Galing ka sa loob?" Kunot-noo niyang tanong.

Halatang duty siya ngayon at mukhang napadaan lang din. Malas lang na nag-kasalubong kami.

"Oo." Sagot ko sa tanong niya. Medyo gulat pa rin ako dahil ang ganda ng timing niya. Tipid ko siyang nginitian, "Check-up."

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon