Chapter 13

8 1 5
                                    

"Sigurado na ba kayo rito?"

Pagkatapos ng birthday ko at dalawang araw na overnight ng mga kaibigan ko, balik sa normal routine ulit. May mga ibang teachers na hindi na minsan pumapasok pero nag-iiwan naman ng gagawin. Malapit na rin kasi ang Christmas break.

Speaking of Christmas, sinabihan ako ng adviser namin kung mag-paparty ba kaming section. Agad ko naman binalitaan ang mga kaklase ko tungkol duon.

"Sayang naman kung hindi tayo mag-paparty, Pres." Anang ng isang kaklase ko. May ibang gusto magkaroon ng party, meron din naman na ayaw.

"'Wag nalang kasi para diretso bakasyon na." Sabi naman nung isa. Well, we have own preference. Gusto ko rin naman na mag-bakasyon agad pero hindi naman pwedeng pabayaan ko yung mga ibang may gusto.

Sumandal ako sa teachers table at humalukipkip, "Ganito nalang." Ani ko at bumuntong hininga. "May tatlong araw pa naman bago yung araw ng party. 'Yung mga sure na gustong sumali, mag-palista kayo kay Adam. 'Yung mga ayaw naman pumunta, ayos lang din." Sambit ko.

"May exchanged gift ba, Pres?" Tanong ni Adam na nasa likuran ko.

Umiling ako, "'Wag na. Siguro palaro nalang tayo tapos intindihin yung pagkain." Sagot ko sakanya. Wala akong tiwala sa sa exchange gift na 'yan. Ang ayos-ayos ng regalo mo tapos makukuha mo, baso. Sinong matutuwa roon?

Tumago ito, "Gagamitin ba natin yung funds?" Tanong niya.

"Oo pero hindi lahat. Magkano ba naiisip mo na singilin sila? I mean syempre ambagan."

"Mga 50 siguro? Depende sa pupunta."

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa mga kaklase ko na may kaniya-kaniya ng ginagawa. Hindi ko pa sinasabi ang tungkol sa ambagan, naiisip ko na agad ang mga reaksyon nila. Huminga muna ako ng malalim bago mag-salita at kunin ang atensyon nila.

"Sa mga pupunta," agad ulit nabaling saakin ang atensyon nila. "May ambagan. 50 pesos para sa palaro at sa pagkain." Ani ko.

"Pres! Bakit may ambagan pa? May funds naman tayo ah?!"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

"Hindi naman kasi natin pwedeng igastos lahat yung funds natin. Kailangan mag-tira, in case of emergency at para rin 'yon sa gagamitin na props sa buwan ng wika next year. Ang hihirap niyo pa naman singilin." Paliwanag ko.

"Ang advanced mo naman mag-isip, Pres!"

Tinignan ko ang kaklase ko, "Alam ko. Dahil sa first day ng pasok next year, alam ko na agad na hindi ka magbabayad." Pambabara ko sakanya. Kung ako lang papa-pilin, ayoko na ng party.

"Pres," napatingin naman ako sa isang kaklase ko na nag-taas ng kamay. "Pwede bang wala ng palaro? Baka kasi kapag kakain na, hindi maka-kain lahat at mag-agawan."

"Gusto niyo ba na wala na?" Tanong ko. May ibang sumang-ayon at may iba rin na humindi.

"Ang boring naman 'non! Wala na ngang exchanged gift, wala pang palaro!" Reklamo ng isa.

"Anong gusto mo? May palaro pero hindi lahat makaka-kain? Kayo palang mga lalake, ang lalakas niyo na kumain." Sabat ng isang babae kong kaklase.

Napahawak ako sa noo ko dahil nagsasagutan na ang mga kaklase ko dahil sa hindi sila nag-kakasundo sa mga gusto nila. Minsan, gusto ko rin sumali kaso president ako. Bawal ako kumampi.

"Ano ng gagawin natin, Pres?" Tanong ni Adam.

"Taasan kaya natin?"

Kumunot ang noo niya, "'Yung alin? 'Yung ambagan?" Tumango ako. Nanlaki ang mata niya saka umling, "Baka wala ng sumali, pres."

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon