"Cath! Come here!"
Binatawan ko ang sandok na hawak ko at lumabas ng kusina dahil tawag ako ni Micheal. Wala akong pasok sa trabaho ngayon kaya maaga akong naka-uwi. Sumunod naman si Micheal after ng dismissal niya sa school niya.
"Ano?" Tanong ko sakanya nang makalapit ako. Naka-sando nalang siya at ang polo niya ay nasa kwarto ko. Baka madumihan.
"Sit here," aniya saka tinapik ang pwesto na nasa tabi niya. Tahimik akong umupo roon.
"Bakit?" Tanong ko.
Nakangiting may kinuha siya mula sa bag niya. Naka-kunot ang noo ko habang pinapanood siya.
"Here!" Aniya at pinakita saakin ang papel na may mga designs. "I found this on instagram and I want to try it!"
Kinuha ko ang papel na hawak niya. May plastic na naka-balot dahil parang... tattoo ata 'to. Fake tattoo ata 'to kung hindi ako nag-kakamali.
"Seryoso ka ba?"
Mabilis siyang tumango. "Yup!"
"Ayoko," saka binalik sakanya. Ang childish naman kasi at hindi ako mahilig mag lagay ng kung ano-ano sa balat ko.
"What?! Why?!"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Akala ko naman kung ano. 'Yun lang pala. Nag-luluto pa ako, e! Narinig ko pang tinawag ako ni Micheal pero hindi ko siya pinansin at diretsong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto ko.
"You're so mean! Sige na! Let's try it! Sayang naman kung hindi natin gagamitin!" Hindi na ako nagulat na sumunod siya saakin.
"Bakit ako ba yung bumili?"
"Catherine naman, e!"
Parang bata talaga. "Ayoko nga. Ikaw nalang mag-lagay sa sarili mo," sabi ko habang seryoso parin sa pagluluto.
"Please? I want to try it. Sayang naman, so please?"
"Alam mo Micheal, may hawak akong sandok. Didikit 'to sa mukha mo kaya tumigil ka."
Narinig kong malakas siyang bumuntong hininga. Sunod niyang ginawa ay niyakap ako mula sa likod at pinatong ang baba niya sa balikat ko. I can feel his breath on my neck.
"Please? For me? Hmm? Catherine," malambing na sabi niya. Ayan ganyan. Idadaan niya ako sa panlalambing niya para lang magawa ang gusto niya. Minsan ang sarap bigwasan nitong si Micheal, e. He knows my weakness.
Malakas akong bumuntong hininga. Ang sabi niya matatanggal din naman 'yon at pagbibigyan ko na itong bata na nakayakap saakin para tumigil na. Baka umiyak pa 'to.
"Tapusin ko lang 'to," ani ko.
I felt him kissed my shoulder pero hindi parin niya inaalis ang pagkakayakap niya saakin. Tahimik lang siya sa likod ko at ako naman ay nasa niluluto ko.
"Let's date tomorrow," biglang sabi niya.
"Gusto mo?"
"Wala ka naman pasok sa part-time mo diba?"
Tumango ako. "Pero gusto ko mag-pahinga."
"Kahit nood lang ng movie? Last show? It's been a long time since the last time we date," aniya.
Totoo naman ang sinabi niya. Nung bakasyon kasi summer job lang inaatupag ko at nakakapagdate pa kami kahit anong araw na gusto namin. Pero ngayong nag-simula na ang klase at mag-iisang buwan na namin hindi ginagawa 'yon na saakin ay ayos lang kaso itong boyfriend ko gusto ng quality time. Parang hindi busy, e. Hampasin ko ng kaldero 'to sa mukha.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...