"Crush ka siguro 'nun."
Isang irap lang ang isinagot ko sakanya. Papunta na kami sa bahay ni Samuel. Nagpa-special ng trycicle itong si Grant dahil pagod na raw siya para mag-lakad pa.
"Paano kapag crush ka niya?" Tanong ni Grant. Sinandal ko ang ulo ko sa may gilid at pumikit. Napagod din ako sa practice namin tapos dumagdag pa itong sugat ko ngayon.
"Malas niya hindi ko siya type," nakapikit na sagot ko sakanya. Pinagdadasal ko na sana hindi na siya magtanong pero mukhang hindi agad sinagot ang dasal ko.
"Bakit? Gwapo naman siya ah."
"E, 'di jowain mo."
"Nakaka-bobo ka talaga kausap."
"Buti alam mo na ngayong, bobo ka, "sabi ko. Isang 'tsk' lang ang narinig ko galing sakanya at hindi na siya nagsalita pa.
Nakatulog din ako saglit. Ginising ako ni Grant nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Samuel.
"Hati tayo." Akmang kukunin ko ang wallet ko sa loob ng bag ko nang pigilan niya ang kamay ko.
"Ako na."
"Pag-uwi, sagot ko na."
"Bahala ka."
Iniripan ko lang siya at bumaba ng sasakyan. Sumunod naman si Grant pagkatapos niyang magbayad. Siya na rin ang nagbukas ng gate. Sabay kami pumasok dalawa sa loob na sinalubong kami ng Mama ni Samuel.
"Catherine!"
"Tita," nakangiting sabi ko.
Mabait ang Mama ni Samuel. Nuong highschool kami ay kadalasan ay dito kami pumupunta pagkatapos ng klase o kaya nags-sleep over. Naging malapit na rin kaming lahat kay Tita dahil sa tuwing nandito kami ay alagang-alaga niya kami.
Nag-mano ako pagkatapos saglit kami nag yakapan at kumalas din. Agad niyang napansin ang band-aid sa baba ko na ikinanuot ng noo niya.
"Anong nangyari rito, Catherine?" Tanong ni Tita Stella.
"Wala po. Gasgas lang."
"Tita, tanga po siya. Nadapa na nga tapos hindi pa nasalo yung bola."
Agad ko sinulyapan si Grant na nasa tabi ko na nag-mano rin at yumakap saglit kay Tita Stella.
Mahina naman siyang hinampas ni Tita Stella sa balikat. "Saan ba kayo galing dalawa ha? At bakit ganyan ang suot niyo?" Sunod-sunod na tanong nito at tinignan pa kami mula ulo hanggang paa. Naka-jersey pa si Grant at ako naman ay ganun pa rin ang suot.
"May practice po kasi kami kanina. Intrams na po namin," sagot ko. Pinapasok na kami ni Tita at sinabihan na maligo sa isang kwarto.
"Mauna ka na. Pupuntahan ko lang sila," anang ni Grant na tinanguan ko lang saka pumasok ng kwarto.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. I just wear a dolphin short and black croptop. Tinupi ko ng maayos ang madumi ko na damit at nilagay iyon sa duffel bag ko saka lumabas.
Naglakad ako papunta sa balcony at nakita silang kumpleto na duon. Napatingin naman sila saakin at kinaway ko lang ang kamay ko saka tumabi kay Chris.
"Maligo ka na," sabi ko kay Grant. Tumango siya at binitbit ang bag niya saka umalis. Bumaba ang tingin ko at kumunot ang noo sa nakita ko. "Ano 'yan?" Tanong ko at tinuro ang isang bote ng alak sa lapag.
"What happened to your chin?" Tanong ni Margie na katabi ko. Dumampot ako ng isang pirasong chips.
"Napag-initan lang," sagot ko at kinain ang hawak kong chips.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...