"Bakit parang nalugi 'yang pagmumukha mo?"
Imbis na sagutin ko si Grant sa tanong niya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pauwi na kami ngayon at ginabi kami dahil sa practice ng cotillion.
Nasa isip ko parin ang huling sinabi ni Micheal saakin. Nasa akin daw ang sagot sa nangyayari saamin. Magca-call a friend na ba ako? Hindi ko rin maintindihan kung anong isasagot ko kay Micheal dahil mismong sarili ko, hindi ko maintindihan.
Ayoko naman na sagutin siya agad. I mean, MU. Hindi malanding ugnayan kung hindi mutual understanding. Sabi nga ni Chris, kilalanin namin ang isa't-isa at hindi lahat ng relasyon, parehas tulad nila Janice.
E, paano ko siya kakausapin?! Ito ang mahirap sa pride ko. Nauna na kesa sa saakin. Mas mabilis pa kesa saakin. Tanungin ko muna siya na kung gusto niya na MU muna kami? Paano pag-ayaw niya?! Paano kapag gusto niya, kami na? E,'di nakakahiya naman 'yon kung ganon dahil tinanggap ko pa yung bigay niya.
"Uy!"
Tiningala ko si Grant. Isa pa 'to, wala rin siyang ka-alam alam sa nangyayari saamin ni Micheal.
"Ano?" Tanong ko.
"Ang tahimik mo."
"May bago ba roon?" Puno ng sarkasmong sabi ko sakanya. Problemado ako, bespren. Lumevel up ang problema ko dahil sa lalake na 'yon.
Sunod na araw, halos hilingin ko na sana bumagal ang oras at 'wag nalang siguro matapos ang klase namin. Pero mas malabo pa sa malabong mangyari 'yon.
"Pwede bang mag-back out?" Biglang tanong ko kay Grant. Papunta na kami ngayon sa gym para sa practice ng cotillion.
Nilingon niya ako, "Bakit? Gusto mo? Sama ako!"
"Kung pwede lang talaga, Grant. Ikaw una kong hihilahin paalis doon," buntong hiningang sabi ko sakanya.
Kung kanina hinihiling ko na sana bumagal ang oras ngayon naman ay sana bumilis ang oras. Dahil batch A kami ni Micheal, kami ulit unang nag-papractice. Mabilis ulit namin natapos ang pangalawang kanta. Buong practice, hindi siya nagsalita at maging ako rin. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sakanya at hindi ko rin alam kung paano namin naraos na hindi mag-usap ng isang linggo kahit partner pa kami.
Hanggang sa lumipas ang isang linggong practice, hindi kami nag-pansinan at nag-usap 'man lang. Dumating ang araw ng prom namin at nagpatulong ulit ako kay Janice na ayusan ako kaya maaga silang dumating dito sa bahay kasama ulit si Samuel.
"So, how's your relationship with your guy?" Pag-oopen ng topic ni Janice saakin na sinisimulan na ako make-upan.
"I don't know," sagot ko sakanya.
"Why?" Kunot-noo niyang tanong. "Nag-away ba kayo?" Sunod niyang tanong saakin.
"Well," at bumuntong hininga, "I just pissed off dahil laging naka-buntot sakanya yung kaklase niyang babae-"
"Oh, so you're jelous." Pagpuputol niya sa salita ko na ikinatahimik ko. Nag-seselos ba ako? Nagseselos ako?! Selos ba 'yon? Selos na pala 'yon? "Then?"
"A-Ayun, nung nasa Batangas tayo nag-text siya saakin pero hindi naman ganon kahaba 'yung pinag-usapan namin. Tintanong lang niya kung nasaan ako saka kung bakit daw ako nasa Batangas at nung unang araw namin practice ng cotillion, napansin niya na suot ko pa raw yung bigay niyang kwintas." Napahawak tuloy ako sa kwintas ko pagkasabi ko 'non. "Sinabi ko na may karapatan naman siya na bawiin ito pero sabi niya, wala naman nakalagay na label na sakanya so bakit niya kukunin."
Napahinto si Janice sa ginagawa niya at ako naman ay nakatingalang tinignan siya.
"Girl, na-gets mo naman yung sinabi niya, right?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...