Chapter 12

10 1 6
                                    

"Your turn."

Napakurap ako ng ilang beses bago natauhan sa nangyayari ngayon. Napatingin ako kay Margie na naka-taas ang kilay na nakatingin din saakin at may hawak na taco ng billiards. Oo nga pala, andito kaming mga girls sa resthouse sa tabi ng bahay nila dahil sembreak na namin.

Malakas akong bumuntong hininga at tumira ng bola.

I'm spacing out.

Because of one person.

"What were you thinking?" Tanong ni Margie saakin. Umiling lang ako sa tanong niya. Baka naguguluhan lang ako sa mga salita niya. Baka ako lang ang nagbibigay ng double meaning sa mga binibitawan niya salita.

Kung ano 'man ang iniisip ko ngayon, hindi ako 'yon pinaniniwalaan dahil kapag mali na naman ako. E, 'di ako ulit ang kawawa sa huli dahil pinahamak ko na ang sarili ko. Minsan na akong naging tanga at hindi ko na ulit uulitin ang katangahang iyon.

"Kain na!" Sigaw ni Chris mula sa kusina. Sila ni Jean ng hapunan. Pagdating namin sa kusina, tinulungan ko si Jean sa paghahanda ng plato. Bago kumain, si Chris ang umusal ng dasal saka kami nagsimlang kumain sabay-sabay.

Tahimik lang ako at nakikinig sa usapan ni Chris pati ni Janice dahil sila lang naman talaga ang madaldal saamin lima. Minsan sumasali si Jean. Hanggang sa matapos kami kumain, kami ni Margie ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan.

"Prepare ko na ba yung bed natin, Cath?" Rinig kong tanong ni Janice sa likod ko.

"Oo, alam mo naman kung paano diba?" Ani ko.

"Yup. Magpapatulong nalang ako kay Chris kapag hindi ko natayo yung kulambo," aniya.

"Sige lang."

Sa balcony kasi kami natutulog since malawak at malaki naman ang space. Lagi namin itong ginagawa mag-mula nung highschool pa kami. Buti nga lagi kaming kumpleto at wala naman strict na parents saamin, sa pagkakaalam ko.

"Is there something bothering you?"

Napasulyap ako kay Margie dahil sa tanong niya, "Wala naman," sabi ko sakanya at ngumiti ng maliit.

"If you say so."

Mag-oopen naman ako sakanila kapag kailangan ko na talaga ng tulong. Pero sa ngayon, hindi pa naman ako sure sa nangyayari at nararamdaman ko. Pagkatapos namin mag-hugas, naligo na ako at naubutan ko pa sila na nag boboard games nang matapos ako maligo.

"Ano 'yan?" Tanong ko at tumabi kay Janice.

"Jenga," sagot niya.

"Sali ako," sabi ko. Pero pinagsisihan ko agad dahil demonyo pala itong laro na 'to. May truth or dare pala kada block. Anak ng somai ka talaga Janice.

"Truth or Dare?!" Excited na tanong saakin ni Janice. Napairap ako saka sumagot.

"Truth."

Ngumisi siya, "Okay. Put your palm here."

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang laruan sa harap ko. May bakas siya ng kamay at may nakakabit din na strap sa gilid nito. Ano ba 'to?

"Bakit may paganito pa?" Tanong ko. Parang masama ang pakiramdam ko rito sa laruan na 'to.

Janice grunted as annoyance, "Duh?! Don't ask so many questions na! Come on! Just put your damn palm here and shut the fuck up." I raised my middle finger to her face before I did what she said. "Okay! Ako yung mag a-ask!"

Umirap ako, "Shoot."

Tumikhim siya, "Is there someone who makes your heart beats? Yes or No?" Malaki ang ngisi niyang tanong saakin at mariing nakatingin sa mata ko.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon