Chapter 53

9 1 0
                                    

"Kamusta ang Palawan?"

Ngiting napa-iling ako sa sinabi ni Nanay Maribel. Akala niya ata nag-bakasyon ako pero ang totoo ay trabaho naman talaga ang ginagawa ko roon. Ngayon lang ako nag-karoon ng pagkakataon na makabisita sa kwarto ni Nanay Maribel dahil pag-balik ko rito, dumami ang pasyente kaya nawalan ako ng oras.

"Nay naman, hindi po ako nag-bakasyon doon," ani ko sakanya. Hindi ako pumunta rito para makipag-usap dahil mamaya pa ang lunch break ko. Kukunin ko lang ang vital signs ni Nanay. Nang matapos ko ang kailangan kong gawin ay tinignan ko si Nanay Maribel na ngayon malaki ang ngiting nakatitig saakin. "Mukhang masaya po kayo."

"Ikaw ang mukhang masaya, 'nak." Mabilis niyang sambit. "May nangyari ba sa Palawan kaya ka masaya?" Tanong niya.

Agad kong naisip ang gabing nag-usap kami ni Micheal. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maka-uwi kami rito sa Maynila. Dahil din siguro sa oras ng duty namin o kaya busy si Micheal. Maging ako rin naman ay busy. Hindi ko pa siya nakikita na dumaan sa station kaya panigurado ay nasa office o nasa operating room siya.

Wala rin naman kaming kasunduan na mag-uusap kami pag-katapos ng gabing 'yon. Binuksan lang namin ang nakaraan namin para tukdukan na ang dapat tuldukan at isarado na ulit para mag-patuloy na kami sa kanya-kanya namin buhay.

Marahan akong umiling, "Kumain naman po kayo sa tama nung wala ako diba?" Pag-iiba ko ng usapan. Kung ano 'man ang pinag-usapan namin ni Micheal sa Palawan ay mananatili iyon duon at saamin dalawa lang.

"Oo naman." Sagot ni Nanay. "Nakapag-usap na kayo ng doktor mo?"

"D-Doktor ko?" Anong ibig-sabihin ni Nanay duon? Kilala niya ba si Micheal? I mean, hindi pa naman ako nag-kukwento sakanya. Ang sinabi ko lang naman sakanya ay may tao akong hindi inaasahang makita ngayon!

"Oo, 'yung doktor na bago." Nakangising sagot niya at mahinang natawa. "Iibahin mo pa ang usapan, Catherine. E, alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko."

Nalaglag ang panga ko. So, alam na ni Nanay! Paano? Sinabi ba ni Micheal? Dahan-dahan akong umupo sa stool na nasa tabi ni Nanay. Malakas akong bumuga ng hangin. Well, kung alam na ni Nanay, wala naman na akong magagawa roon.

"Nag-kausap po kami nuong huling gabi namin sa Palawan," ani ko na may maliit na ngiti sa labi. "Maayos na po ang lahat. Kami pati na rin 'yung ngayon. Basta po masaya na po ako ngayon at sana siya rin po."

Inabot ni Nanay Maribel ang isang kamay ko at marahang pinisil iyon.

"Kitang -kita sa mga mata mo na masaya ka, 'nak. At masaya akong masaya ka."

"Salamat po."

"Hindi kayang mag-sinungaling ng mga mata sa nararamdaman nila. Kung kaya ng puso na itago ang nararamdaman nila, ang mata ang sumisigaw para sakanila." Hinaplos ni Nanay ang pisngi ko gamit ng isang kamay niya. "Nakakaluwag sa puso 'no?"

Tumago ako, "Sobra."

"Mabuti naman." Malumanay niyang sambit. "Kaya may dahilan ang pag-kikita niyo. Para matuldukan na lahat ng naiwan sa nakaraan niyo at muling mag-patuloy kung nasaan 'man kayong dalawa ngayon."

"Hindi po ba kayo mag-tatanong tungkol saamin dalawa."

"Hindi," ngumiti saka umiling siya. "Nasasayo kung sasabihin mo saakin dahil buhay mo 'yan at makikinig lang ako."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kahit close na kami ni Nanay Maribel, hindi ko pa nasasabi sakanya ang nakaraan ko. Kung anong koneksyon namin ni Micheal. Tungkol sa magulang ko. Ganun din siya. Ang tanging alam ko lang ay ang tao sa litrato na lagi niyang tinititigan ay asawa niya at ang mga kaniyang anak ay may kanya-kanyang buhay.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon