Chapter 37

9 1 0
                                    

"How was the exam?"

Isang yakap agad ang iginawad ko nang makalapit kay Micheal. Nung isang araw pa tapos ang exam nila at hatid sundo niya ako.

"Kapagod at nakakagutom," sagot ko habang yakap yakap ko parin siya. Pakiramdam ko sobrang tagal ng oras kanina habang nag-eexam. Sana mataas ang makuha kong score. Nag-aral naman ako pero nakakakaba parin dahil baka may bumagsak akong isang subject.

Si Micheal unang bumaklas sa pagkakayap at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Naalala ko rin na may trabaho pa ako. Malakas akong bumuntong hininga. Gustong-gusto ko ng umuwi!

"What do you want to do now?" Tanong ni Micheal.

"May trabaho pa ako."

"I know but it's still early."

Tama naman siya. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Inaantok ako na nagugutom.

"Somai." Wala sa sariling sambit ko.

"What?"

Tinignan ko siya. "I'm craving." Basta gusto kong kumain! Tapos matutulog ako mga dalawang oras bago pumasok sa trabaho. Bukas pa naman day-off ko pati sa susunod na araw at iyon lang ang araw na masosolo ako ni Micheal para i-celebrate ang anniversary namin.

Hanggang ngayon wala pa kaming napapag-usapan kung saan o anong gagawin namin. It's been what? Three days since the day of our anniversary pero dahil kasagsagan ng exam namin iyon, hindi kami pwedeng mag-celebrate dahil exam first muna.

"Okay, let's go to buy a somai."

Malaki akong ngumiti at sumunod sakanya papuntang kotse niya. Wala akong binanggit kung saan kami kakain dahil ang sinabi ko lang ay 'yung gusto kong kainin. Base sa tinatahak niyang daan, mukhang papunta ng mall. Hmm, meron naman siguro roon. Sa food court? Yeah, maybe.

"So," napatingin ako sakanya. "What is our plan?"

"Hmm..." ano nga ba? Maliban sa gusto kong matulog ng matulog, wala na akong gustong gawin. Hindi rin ako nakapg-search ng mga lugar kung saan pwede mag-date. Nag-dedate lang naman kasi kami ni Micheal sa mall or sa bahay. Manonood ng movie tapos kakain. Okay na saakin yun pero kung may gusto siyang gawin or puntahan, ayos lang din saakin basta kasama siya.

"Ikaw ba? Anong gusto mo?" Tanong ko.

"Oo kaba if I want something?"

"It depends."

Napatango siya. Ano kayang iniisip nitong lalake na 'to?

"Let's have a mall date tomorrow," aniya. Okay, I'm cool with that. "Then overnight."

Kumunot ang noo ko. "Sa bahay?" I mean, minsan nag-oovernight siya sa bahay. Lalo na nung bakasyon.

"No," umiling siya. "In my house."

"Auto pass." Mabilis kong sagot. Baka maabutan pa kami ng Mama niya, awit tayo roon. Huling bisita ko roon ay nakaraang buwan pa.

"Why?"

"Baka naroon 'yung Mama mo."

"Don't worry. Business trip."

Malakas akong bumuntong-hininga. "Paano kapag biglang dumating ha? Tapos nandoon pa ako."

"Then I'll introduce you."

Napatitig ako sakanya. Alam ko naman na hindi niya ako itatanggi. Isang taon narin kami. Hindi ko alam at wala akong kaalam-alam kung alam na ba ng mga magulang niya ang relasyon namin. Ready naman ako pero hindi ko parin maiwasang kabahan. Magulang iyon ng taong mahal ko at kung ano 'man ang reaksyon nila o sasabihin nila ay tatanggapin ko.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon