Chapter 33

9 1 0
                                    

"Papa?"

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay namin, naabutan ko si Papa na nanunuod at naka-upo sa sofa. 12:30 na pero hindi parin siya nag-papahinga.

Agad siyang lumingon sa gawi ko pagkatapos ko siyang tawagin. "Bakit hindi pa po kayo nagpapahinga?" Tanong ko at naglakad papunta sakanya para mag-mano.

"Hinihintay ko lang ang pag-dating mo," aniya at pinatay ang tv saka tumayo. "Kumain ka na."

Umiling ako, "Bukas nalang po, Pa." May tipid na ngiting sambit ko. Pagod na pagod na talaga ako pero ayoko lang sabihin kay Papa.

"Hindi pwede. Masamang malipasan ka ng tulog."

"Pa naman," buntong hiningang sabi ko. Ngumiti lang siya saakin at walang sinabi na kung ano. Hay nako, alam niyang kahit sa ganyan niya lang ay makukumbinsi niya na ako. "Sige na nga po."

Hinubad ko ang bag ko at nilagay ko muna sa sofa. Sinundan ko si Papa na nauna na papunta sa kusina. Ang kulit talaga. Pinaghandaan pa ako na dapat ako ang gumagawa 'non sakanya.

Umupo ako sa harap ni Papa. Tahimik lang ako habang sinasalinan niya ng kanin ang plato ko sunod ay ulam na mukhang si Mama ang nag-luto.

Saglit ako nag-dasal bago kumain. Tumayo ulit si Papa para pag-kuhaan ako ng tubig. Napailing nalang ako sa ginagawa niya. Kahit naman pigilan ko siya, alam niyang mananalo siya saakin.

"Kamusta ang school 'nak?" Tanong ni Papa pagka-lapag niya ng baso ng tubig sa harap ko.

"Okay naman po," sagot ko.

"Napapansin ko, ganitong oras ang uwi mo."

"Sa trabaho ko po kasi." Nung una talaga ayaw nila na mag-part time ako pero pinilit ko sila dahil mahal yung tuition at 'yung mga librong babayaran. Gusto ko lang naman na hindi sila mahirapan o mamobroblema. Hindi rin ganun kalaki ang kinikita nila at gusto kong tumulong hanggang sa makakaya ko.

Tumango tango si Papa. "Hinatid ka ba ni Micheal? Nakakapagtaka lang na hindi siya pumasok dito."

Saglit akong natigilan. Nag-angat ako ng tingin at normal na ekspresyon lang si Papa, hinihintay ang sagot ko. Hindi ko alam kung mag-sisinungaling ba ako sakanya o sasabihin na hindi talaga ako hinatid ni Micheal dahil busy siya sa pag-aaral niya.

"Ano po kasi, Pa." Buntong hiningang simula ko, "Malapit na po kasi yung mid-terms. Busy po siya."

"Kung ganun ay hindi ka niya hintatid? Umuwi ka mag-isa?"

Mahinang tumango ko, "Pero sinamahan naman po ako nung kaibigan ko makasakay ng jeep kasi po gabi na." Dagdag ko.

Sumeryoso ang mukha ni Papa at hindi na naimik. Ako naman ay dahan-dahan pinagpatuloy ang pagkain. Alam ko naman hindi magandang umuwi ng ganitong oras pero wala akong magagawa. Ayos lang naman. Naka-uwi naman ako ng safe.

Hanggang sa natapos ako kumain, si Papa na mismo ang nag-ligpit at nag-hugas ng pinagkainan ko pero hindi parin siya naimik. Tumabi ako sakanya saka sinilip ang mukha niya.

"Pa?" Tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Ano pong iniisip niyo?" Tanong ko. Hindi madaldal si Papa pero sobrang transparent ng emotions niya. Malalaman mo agad na may bumabagabag sa isip niya o kaya malalim ang iniisip niya. Saktong natapos siya at humarap saakin habang pinupunasan ang basa niyang kamay.

"'Yung kaligtasan mo," sagot ni Papa.

Ngumiti ako at masuyong niyakap si Papa. Of course, anak niya ako. Normal lang talaga na mag-alala siya saakin.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon