This is the last chapter of this story.
It's been a great journey with Cath and Micheal. I hope you had a great time with them!***
"Ano sa tingin mo ang maganda? Ito o ito?"
Pinakita ko sakanya ang dalawang mag-kaibang design na plato. We're buying some things for our house.
Our.
Wala sa sariling napangiti ako dahil doon.
Pati grocery since kaninang umaga ay dumating na ang mga inorder na mga gamit ni Micheal tulad ng sofa, tables, chair, refrigerator and etc.
"It's your kitchen, Cath. Pick whatever you want." Sagot ni Micheal. Ngumuso naman ako dahil hindi nakatulong ang sagot niya sa tanong ko. At the end, ako nalang ang pumili sa pinagpipilian ko saka tinignan ang list namin kung ano pa ang bibilhin namin.
Ako ang nauunang nag-lalakad saamin dalawa habang si Micheal ang may hawak ng cart at tahimik lang nakasunod saakin. Sabi niya kasi ako na raw bahala pumili ng gusto ko dahil wala raw siyang alam sa ganitong bagay.
Naisip ko 'yung condo niya na unang tingin mo palang sa mga nakadisplay na gamit ay mamahalin na. Ano 'yon? Kung ano lang ang nakita niya nung binili niya 'yung mga 'yon, okay na? Malakas akong bumuntong-hininga sa kaisipan na 'yon.
Pag-katapos namin mabili ang mga kailangan namin ay umuwi na kami. Punong-puno ang compartment at back seat dahil sa mga pinamili namin. Nang makarating kami sa bahay ay tulong kami ni Micheal sa pag-pasok ng mga paper bags. Naabutan din namin ang truck na nasa tapat ng bahay para ipasok ang mga furnitures sa loob.
"Ang kalat," bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang nakakalat na mga boxes at gamit sa sala. Pinunasan ko ang noo ko na tagaktak ng pawis gamit ang likod ng kamay ko. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Micheal na may buhat-buhat na malaking box. "Last na ba 'yan?" Tanong ko.
"Yeah..." Dahan-dahan niyang inilapag 'yon sa sahig. Tulad ko ay basang-basa na rin ang suot niyang t-shirt ng pawis. Tinulungan niya rin kasi ang mga nag-bubuhat sa pag-pasok ng gamit namin.
Lumapit siya saakin at naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Andami namin gagawin ngayong araw. Malakas akong bumuga ng hangin at isinandal ang ulo ko as dibdib ni Micheal. Tinatamad ako pero at the same time, gusto ko na matapos lahat ng mga gagawin namin ngayong araw para rito na kami tumira dalawa.
"Change your clothes. Ako na ang bahala rito." Ani Micheal.
"Tutulungan kita."
Mahina siyang natawa, "Your kitchen is waiting to you."
Oo nga pala.
"Okay then." At tumungo sa second-floor kung saan ang kwarto namin dalawa. Nakita ko ang apat na mag-kakasunod na pinto. Ang kwarto kasi namin ay nasa dulo habang ang apat na normal na kwarto na ngayon ay wala pang laman ay mag-kakahalera sa hallway ng palapag na ito.
Napangiti ako dahil alam namin dalawa kung para kanino nakalaan ang mg kwarto na iyon. Pumanik na ako sa kwarto namin ni Micheal para mag-palit ng damit. Mas malaki at malawak ang kwarto namin dahil may kanya-kanya kaming walk-in closet. Kaunti palang ang damit ko rito at balak namin na unti-untiin ang pag-lipat ng mga gamit namin.
Bumaba na ulit ako pagkatapos ko mag-palit ng damit. I'm wearing a black spaghetti strap shirt and black shorts. Nasa hagdanan palang ako ay rinig ko na ang ingay ng barena. Ibig-sabihin ay nakapagsimula na si Micheal sa pag-assemble.
Naabutan ko siyang walang damit sa pang-itaas niya. Mula sa kinatatayuan ko ay nakatilikod siya saakin at malaya kong nakikita ang malapad niyang likod. Nag-lakad ako papalapit sakanya at umupo sa tabi niya. Tumigil siya nang maramdaman niya ang presensya ko.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomantizmSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...