"Pa! Bawal ka pang kumilos! Tsaka bakit andito ka po? Balik ka roon sa sofa. Ako na po bahala rito."
"'Nak, buong araw na akong nakaupo. Ang sakit na ng pang-upo ko," ani Papa. Napailing nalang ako at kinuha ang sandok mula sa kamay niya.
Dalawang araw na simula nang ma-ospital si Papa at naka-labas din kinabukasan. Binilinan siya ng doctor na 'wag masyadong mag-pagod at may pinescribe na rin na gamot para sakanya.
"Hindi pwede, Pa. Ang sabi po ng doctor bawal ka mapagod. In short, bed rest. Nainom niyo na po ba yung gamot niyo?" Tanong ko kay Papa na alam kong nakaupo sa lamesa at ako naman ay nag-luluto para sa hapunan.
Si Mama na mismo ang nag-sabi na mag-pahinga muna siya sa trabaho. Syempre, boss ang nanay ko, nasunod siya.
"Opo, Nurse Cath." Rinig kong sagot ni Papa na ikina-irap ko nalang. Mabuti nalang nakatalikod ako at hindi niya nakita ang pag-ikot ng mata ko.
Kung pwede lang na pumirmi nalang si Papa rito sa bahay, mapapanatag pa ako eh. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag bumalik siya sa pagtatrabaho niya, baka mangyari ulit iyon. Masisiraan ako ng bait sa pag-aalala sakanya.
Kinabukasan, sumabay si Micheal sa lunch break namin. Magkatabi kami at nasa harap namin si Grant na kanina pa nangunguha ng kanin mula sa plato ko na agad naman pinapalitan ni Micheal.
Bakit hindi nalang kaya idiretso ni Micheal 'yung kanin sa plato ni Grant? Tutal duon din naman napupunta ang binibigay niya saakin. Gusto kong mainis pero naalala ko nasa harap kami ng pagkain kaya pinigilan ko nalang.
"How's your Papa, Cath?" Rinig kong tanong ni Micheal. Napa-angat ako ng tingin at saglit din sinulyapan si Grant. Salubong ang kilay niya nang marinig ang tanong ni Micheal. Oo nga pala, hindi ko nasabi sakanya yung nangyari kay Papa dahil ayoko siyang maabala sa practice niya.
"Ayos na siya. 'Di muna pinagtatrabaho ni Mama."
"Anong nangyari kay Tito?" Si Grant. Malakas akong bumuntong hininga at kinuwento sakanya yung nangyari. Ayos lang naman na sabihin iyon kay Grant dahil malapit din siya kela Mama. High shool palang kilala niya na ito at parang anak na rin ang turing nila Mama sakanya kaya hindi ko siya masisisi sa pag-aalala niya.
"Don't worry, bed rest siya ngayon. May gamot din na pinescribe sakanya. Hindi lang siya minsan mapakali dahil hindi raw siya sanay na walang ginagawa," ani ko kay Grant.
"Kaya pala tulala ka nung isang araw." Sabi niya.
Tumango ako, "Alam mo naman, hindi ako pwedeng lumabas habang hindi pa uwian kaya no choice akong hintayin matapos yung last sub natin."
Hindi na siya nagsalita pa at tinuloy nalang namin ang pagkain namin. Nang matapos kami ay saka lang nag-salita ulit si Grant.
"Nga pala, pupunta ka ba sa birthday ni Samuel?" Ay oo nga pala. Nawala sa isip ko yung birthday ni Samuel. Tumango ako bilang sagot sakanya. "Sabay tayo bumili ng regalo."
"Sus, hati nalang tayo sa isang regalo," Ani ko sakanya. Wala akong budget ngayon dahil naubos kaka-print. Duon tayo sa mas-tipid.
Natawa naman si Grant sa sinabi ko. "Sige, sige, sabi mo 'yan ah." Aniya.
"Oo, ako bahala."
"Mag-oovernight ka ba?"
Nagkibit balikat ako, "Baka." Ipagdarasal ko nalang na sana hindi sila mag-dala ng alak. 18th Birthday kasi iyon ni Samuel. Kapag nalasing ako, e'di makikitulog nalang ako. Kung lang. As if naman mapapainom nila ako.
"Don't drink too much." Napalingon ako kay Micheal. Ngumiti ako at tumango sakanya. Alam ko naman na ayaw niya pero syempre, birthday ng kaibigan ko 'yon.
BINABASA MO ANG
First Signs of Fall (COMPLETED)
RomanceSimple things are enough for Catherine to make her smile. Simple life and happiness with her family and friends. Basta maka-tapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ay sapat na sakanya. That's was the original plan. Falling in love is to someone wa...