Chapter 3

17 1 0
                                    

"They're complaining about it."

Malakas akong bumuntong hininga at napahawak sa sintido ko. May emergency meeting kami ng mga president, vice president at treasurer lang. Si Micheal ang nagpatawag.

Nag-cocomplain daw ang mga kaklase niyang sumali sa cheerdance. Isang beses palang sila nag-papractice, andami ng reklamo. Paano raw 'yung mga walang sinalihan. Nag-aambag lang daw sila at walang ginagawa. In short, unfair daw.

Life is unfair. Hindi ba sila nainform tungkol doon? Tinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon nila.

"You may speak, Cath," sabi ng grade 12 President.

Nilingon ko si Micheal at nagtama ang tingin namin dalawa. "Sino ba may sabing wala silang gagawin?"

"Meron ba talaga?" Balik na tanong niya, nakataas pa ang kilay. Itong lalake na 'to, imbis na mag-isip nang-aabala ng tao. Bwiset.

"Malamang. 'Yung mga walang sinalihan, tutulong sa props para sa cheerdancers. Tutulong din sila sa pag-hanap ng costume. Dapat nga taasan din ang ambag nila dahil sabi mo nga wala silang ginagawa pero baka may umiyak, magkaroon pa ng gulo," sabi ko, "kaya sabihan mo yung mga kaklase mo about sa sinabi ko. Klaruhin mo para wala ng follow up question."

Pagkatapos 'non ay mas-clinear pa ang sitwasyon about duon. Pati rin sa expenses namin para sa Miss. Intrams.

"Magkano na ba ang funds niyo for now, Cath?"

Sinulyapan ko ang treasurer namin na si Julia at sumenyas sakanya. Agad naman niya inabot ang papel ng listahan namin.

"2,150," sagot ko. Sinama na rin namin yung natirang pera na nagamit nuong buwan ng wika.

"Sainyo Micheal?"

Napatingin ako sa gawi ni Micheal. May babaeng nag-abot din sakanya ng papel at binasa iyon.

"1,830. Hindi pa kasama yung mga classmate ko na hindi pa nakakapagbayad," aniya.

Kumunot ang noo ko, "Ilan ba sila?" Tanong ko na ikinatingin nila. Last week of September gaganapin ang isang linggong Intrams namin. Bale kasama ang linggo na 'to, tatlong linggo nalang ang natitira at kapag nagka-shortage kami sa funds, maraming madadamay.

"Ten girls and Fifteen boys."

Goodness. Ano bang klaseng president siya at hinahayaan niyang mabaon sa utang ang mga kaklase niya? Kaya pala sobrang kaunti ng funds ng strand namin, if we summed it, malaking pera ang pa nakokolekta.

Tumango ako, "Kapag siningil mo sila, anong bang sinasabi nila?" Andami ko ng palusot na narinig galing sa mga kaklase ko, isa pa si Grant doon pero hindi ko sila hinahayaang mag-skip ng mag-skip dahil sila rin ang mahihirapan sa huli.

"Kaya raw nilang bayaran 'yon ng isang bayaran. Ini-ipon lang nila," kibit-balikat niyang sagot saakin.

Wala sa sariling napasapo ako ng noo. Tapos wala 'man lang siya ginawa kung hindi ay hayaang magka-patong patong ang utang ng mga kaklase niya sa funds nila. Naiintindihan ko naman na hindi pa ganon kalaki ang funds nila dahil sa nag-daan na buwan na wika noong nakaraang buwan lang pero wala naman kaming magawa na pag-katapos 'non ay Intrams na. Another gastos.

"Kaya mo ba silang paki-usapan?" Tanong ko kay Micheal.

Nakita ko ang saglit niyang pag-kabigla, "What?"

"Ang sabi ko, kaya mo ba silang paki-usapan?"

Hindi niya agad ako nasagot. Nakita kong nanlaki rin ang mata ng vice president at tresurer nila sa tinanong ko. Bakit? May mali ba sa tinanong ko?

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon