Chapter 30

10 1 3
                                    

"Nag-aral naman ako pero bakit kinakabahan ako?"

Napa-iling ako sa binulong ni Vernon saakin. Wala naman seating arrangement kaya kalat-kalat kami. Hindi rin naman alphabetical letter ang recitation namin kundi ay bubunot ang prof namin ng index.

Actually, last week pa dapat 'to e, hindi naka-attend yung prof namin sa meeting kaya nauronh pero nadagdagan naman yung aaralin namin. Hindi ko alam kung good thing ba 'yon or what.

"Ayan na, Isabel. Shina-shuffle na," bulong ulit ni Vernon. Mahina ko siyang pinalo sa balikat. Dahil sa mga sinsabi niya ay pati ako nakakaramdam ng kaba! Medyo terror pa naman prof namin dahil major namin ang hawak niya.

"Swerte mo kapag ikaw yung unang natawag," ani ko sakanya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin at muling binalik ang tingin sa prof namin. Nang tumigil sa pag-shushuffle ang prof namin, tahimik nahigit ang hininga ko at nagdadasal sa isip na sana hindi akin 'yon. Nag-aral naman ako pero nakakakaba kaya kapag una ka!

"Sanchez," tawag ng prof namin.

"Shit. Kinabahan ako roon ah," rinig kong sabi ni Vernon habang ako ay nakahinga ng maluwag dahil hindi ako yung naunang tinawag. Nalipat ang tingin ko sa kaklase namin na tinawag para sa recitation.

"Okay, Miss Sanchez," ani ng prof namin. "Why level of consciousness is the most sensitive indicator of nervous system functioning?"

"Alam mo 'yan?" Tanong ni Vernon.

Sinulyapan ko siya. "Yung GCS ata 'yan. 'Di ko sure e," sagot ko.

Tahimik ang buong klase para makinig sa sagot ng kaklase namin. 'Yung prof naman namin ay nakatitig lang sa sasagot at hinihintay na sumagot ito.

Pero isang minuto ang lumipas, hindi parin nag-sasalita ito. Pinagmasdan ko ang mukha ng kaklase ko at napansin namumutla ito. Kinabahan ata.

"Sit down," anang ng prof habang umiiling pa. Nag-shuffle ulit siya ng index at nag-stop saka binasa iyon. "Calleja."

"Anak ng..." mabilis na tumayo si Vernon nang matawag siya. "Sir."

Tumingin sakanya si Sir bago nagsalita. "Answer the question earlier," anito.

"Can you please repeat the question, Sir?"

"Why level of consciousness is the most sensitive indicator of nervous system functioning?"

"Uhm... Sir... Level of consciousness used a tool called Glasgow Coma Scale or GCS." Simula nito at sinilip ko ang mukha niya. Kinakabahan din siya. "It is used at the bedside of the client with other clinical observation and allows to measure the level of consciousness of the client."

Humalukipkip si Sir at sumandal sa table dahil nakatayo siya. "Okay, continue."

Nanlaki saglit ang mata ni Vernon dahil sa sinabi nito. Tumingin pa siya saakin saglit. Nako, hindi kita matutulungan dyan. Baka ma-minusan ako.

"Ano, Sir... wait lang..." Utal na sabi ni Vernon. Tumingin pa siya sa itaas na parang makikita niya roon ang sagot. Ako na nasa tabi niya na pinapanood siya na mag-isip ay pinipigilan matawa. Bilisan mo, baka ma-singko ka.

"It is... It is helpful to have a standard scale by which one can measure levels of consciousness. This proves advantageous for several reasons: Communication among health care personnel about the neurologic condition of a patient is improved; guidelines for diagnostic and therapeutic intervention in certain situations can be linked to the level of consciousness; and in some situations, a rough estimate of prognosis can be made based partly on the scale score. In order for such a scale to be useful it must be simple to learn, understand, and implement." Diretsang sagot ni Vernon.

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon