Chapter 44

12 1 1
                                    

"Pero nasayo parin ang huling desisyon, Isabel."

Naintindihan ko naman ang lahat ng sinabi niya. Kung anong mga ibig-sabihin ng mga iyon. Kahit medyo naguguluhan pa rin ako, na-appreciate ko ang concern niya saakin bilang isang kaibigan. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko na maliban kila Grant na mga kaibigan ko nuong highschool ay nakilala ko siya at si Mila. Sa loob ng dalawang taon, parang andami na namin napagsamahan sa sobrang malapit namin sa isa't-isa.

Malaki akong ngumiti, "Salamat Vernon."

Sinuklian niya rin ako ng isang matamis na ngiti saka marahang ginulo ang buhok ko. Simaan ko siya ng tingin sa ginawa niya. "Tandaan mo, andito lang kami at rerespetuhin namin ang desisyon mo. If you want to tell something even if it's about the pain or second opinion, anything, we will listen to you, Isabel."

Napaka-swerte ko talaga.

Malakas akong bumuga ng hangin. "Sa ngayon, naguguluhan parin ako. Kung ano na kami ngayon matapos ng nakita at nalaman ko." Hindi ko naman alam kung kailan ako balak tawagan o kamustahin ni Micheal. Basta pagkatapos ng huling tawag ko na si Layla ang sumagot, hindi na muli akong tumawag sakanya. Para saan pa diba? Paano kung tumawag ulit ako at si Layla ulit ang sumagot? Sinaktan ko lang ulit ang sarili ko. Sinampal ulit ako ng katotohanan.

Wala akong narinig mula kay Vernon na nakatitig lang saakin. Sumagi sa isip ko na kapag ba nag-explain saakin si Micheal, mapapatawad ko pa agad siya? Tatanggapin ko ba ang dahilan niya? Babalik ba ulit kami sa dati?

Kasi pakiramdam ko, iba na ang magiging tingin ko sa relasyon namin. Hindi pa nga kami nag-uusap. Aaminin ko, may halong pag-dududa na. Tama ba iyon? Na mag-dududa na ako sa lahat ng sasabihin niya. Hindi agad ako maniniwala?

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sakanya.

Umiling siya.

"Wala kang trabaho?" Muli kong tanong.

Mahina siyang tumawa at inalis ang kamay niya na tinago niya sa bulsa ng pantalon niya. "Day-off," sagot niya.

Nakakamiss tuloy mag-trabaho. Kaso nag-promise na ako kay Mama na hindi muna ako mag-tatrabaho. Titignan ko next year.

"Nagugutom ako," sabi ko.

"Anong gagawin ko?"

Matalim ko siyang tinignan. Parehas talaga sila ni Grant. Walang kwenta sumagot.

"Ililibre sana kita kaso 'wag nalang pala. Nag-bago na isip ko." Sabay tinalikuran siya at mabilis nag-lakad para iwan siya. Agad kong narinig ang yabag niya sa likod ko na ikina-iling ko.

"Uy! Joke lang! Teka! Sama ako!"

"Hindi! Ang pangit mo sumagot! Bahala ka riyan!"

"Ito naman! Joke lang 'yun!" Pag-babawi niya sa walang kwenta niyang sagot saakin. Mahina nalang akong natawa. Kapag libre talaga ayaw walang awat.

Nang makarating kami sa bilihan ng kwek-kwek ay nauna pa si Vernon kumuha ng plastic cup para maging lalagyanan. Nakakahiya naman saakin na manlilibre noh? Sarap tusikin ng stick sa apdo. Pagkatapos namin kumain ay nag-abot ako ng isang daan kay Kuya na nag-bebenta at binalik naman agad saakin ang sukli.

"Uuwi ka na?" Rinig kong tanong niya habang nag-lalakad kami papuntang sakayan ng jeep. Busy ako sa pag-balik ng sukling binigay saakin sa wallet ko.

"Malamang," sagot ko sa tanong niya.

"Ihahatid na kita."

Duon ako napatingin sakanya. Nakataas ang kilay ko.

"Aba," I scoffed. "Anong nakain mo?"

First Signs of Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon