#TTV48

48.6K 1.1K 557
                                    

#TTV48

The day continued; it was also unexpected when Winchell arrived while we were having snacks at the front yard. Maaraw pa ang alas quatro pero nakasilong kami sa anino ng bahay kaya malimlim at mabini naman ang simoy ng hangin. Kadarating lang ay binuska na agad nila Aiken, wala kasing kasamang pumunta rito at naka-uniporme pa.

"Ano, nag-away na naman kayo?" asar ni Aiken.

"Tumakas?" tanong ko, natatawa.

Winchell laughed and shook his head, umupo siya sa bakanteng upuan sa kaliwa ko; agad nagsalin ng tubig sa baso para makainom.

"No! Ayaw lang sumama pero tinaboy ako para pumunta rito, nakita niya 'yong text mo na magkakasama kayo ngayon."

"Ang cute ni Norrie!" Gerry giggled. "Madalas siyang ganyan, 'no? Hindi sumasama pero hinahayaan kang umalis at makisama!"

"Basta si Ago o Aiken ang kasama lang," ani Winchell. "Ayaw niya kapag ibang kaibigan ko ang sinasamahan, e. Biglang nagiging moody hanggang sa hindi na ako matuloy."

Nagtawanan kami. Norrie's really adorable! Ganoon din ako noon kay Ago kaso kalaunang naisip ko na hindi na siya magloloko sa amin ni Maru kaya hinahayaan ko na lang kung sumama man siya sa mga katrabaho o kaibigan niya sa labas dahil iyon lang naman ang past time niya.

"Hindi kasi talaga katiwa-tiwala ang circle ng mga lalaki lalo na iyong kay Aiken? Sila Kael, Tristan at iyong iba pa? I never liked them!" reklamo ni Gerry.

Kumunot ang noo ni Chago. "They're still friends?"

Oh my God, it's been years! Bothered pa rin talaga si Chago sa pangalan ni Kael kapag nababanggit hanggang ngayon lalo pa't naikuwento ko iyong pisikal na pambabastos sa akin. Matagal na iyon, nalampasan ko na ang trauma mula roon.

"Hindi na yata? Hindi na sila madalas mag-usap, e! Hindi na gaya last year na nagyayaya pa sa kanyang lumabas at mag get together! Hindi ko nga pinayagan! Loko-loko pa naman mga kaibigan niyang iyon!"

"Loko-loko talaga iyon, hindi ko pa nakakasalubong sa ilang taon kaya hindi ko pa nababawian-"

Kinurot ko agad ang braso niya at hinila, hindi ko rin inasahan na mababanggit iyon ngayon dahil akala ko matagal nang tapos si Aiken sa old friends niya at hindi na sila nagkakausap.

"Bakit? Bakit?" usisa ni Aiken nang marinig ang iritadong si Chago.

Winchell grimaced. "You're still in touch with those friends, Ken?"

"Huh? Who?" nalilitong tanong ni Aiken. "Kael and Tristan?"

"Oo," Chago snorted.

I gasped and chuckled awkwardly.

"Hindi na raw nakakausap ni Aiken ang mga iyon-"

"Pero loko-loko pa rin daw hanggang ngayon, hindi talaga naturuan ng leksyon. You should've told him about it."

Nangiwi ako. "Ang tagal na noon!"

"Matagal o hindi, dapat naturuan ng leksyon iyon!"

Bago ko lang nasabi kay Chago iyong mismong ginawang pisikal na pambabastos pero mainit na talaga ang ulo niya kay Kael at Tristan simula pa noong nasabi kong binastos ako dati-akala niya yata noon ay sa salita lamang. He never asked me about it for years of being together, I just accidentally mentioned it because of the news that I heard weeks ago. Tungkol kasi iyon sa magkakaibigan at may karumal-dumal na ginawa sa kaibigang babae.

"What is it?" Aiken attentively asked again. "Zoe? What about my old friends? Anong ginawa?"

Nakatunghay silang lahat sa akin ngayon, si Gerry parang nahihiya na nabanggit ang mga iyon kahit hindi pa alam ang issue tungkol sa kanila. I inhaled deeply and looked at Aiken, hindi ko pinahalatang bothering pa rin sa akin dahil baka sisihin niya pa ang sarili niya.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon