#TTV34
The days rolled continuously until Saturday, walang pasok si Chago kaya nasa bahay niya kami ni Hopia nang umagang iyon pero may pinagkakaabalahan siyang project kaya medyo abala rin ang oras.
I also busied myself reviewing for the exam this coming week, mabuti na lang at hindi ako pinapahirapan ng kurso ko masyado. Ang mahirap lang naman doon ay iyong marketing pero nasasanay at nakukuha ko na rin.
After reviewing, I made a merienda for him. Sandwich lang naman at juice, nakasandal na ang batok niya sa back rest at bahagyang inuunat iyon. Nilapag ko sa lamesa ang merienda, doon sa hindi tatama sa mga papel na importante.
I smiled and straddled him, tinanggap niya naman ang pagsampa ko at inayos ang kanyang mga hita.
"Pagod na?"
He shook his head and held on my lower back. "Ngalay lang. Tapos ka na magreview?"
"Oo, makakasagot na ako sa exam."
He removed his eyeglasses and massaged his nose bridge, natawa siya sa sinabi ko. "Buti naman."
I stared at him and he stared back on that position, nakasandal ang batok sa back rest at medyo nakatingala. I smiled. "I love you."
"Nagwapuhan ka na naman sa akin," asar niya sabay halakhak at pisil sa baywang ko.
Bumusangot ako. "Sawa na ako sa pagmumukha mo! Huwag kang feeling!"
Humalakhak siya lalo, natatawa na lang din ako.
"Uuwi si Papa mamaya, kakausapin ko na siya."
His lips puckered, bahagyang humupa ang tawa. "Are you ready?"
"Oo naman!"
"Hmm, what are you gonna say?" he gently sat up, both hands on my lower back now.
I hooked my hands on his nape, slightly caressing his hair from the back. Nakatitig lang ako sa kanya. "Sasabihin ko lang na ayaw ko sa arrangement, ayaw ko pakasal sa hindi ko naman kilalang lubos..."
"Uh-hmm."
Tinanggal ko ang kamay sa batok niya. "'Tsaka ikaw lang ang gusto ko."
He licked his lips as he took back my hands on his nape, I continued caressing his hair.
"Paano kung hindi pumayag?" nagtaas siya ng kilay, pumikit ang mata sa paghaplos ko sa buhok niya.
Gustong-gusto niya 'yan, e! Minsan napapatulog ko siya sa pamamagitan noon.
I gasped slightly. "Huwag mo naman ipagdasal!"
Natawa siya. "Ipagdasal? Nagtanong lang ako, daming posibilidad doon. Hindi mo alam kung papayag o hindi."
Ano kayang pinag-usapan nila ni Papa noong nakaraan? Nag-aalala ako, baka kung anong nasabi ni Papa. Mabait si Papa pero hindi ko alam sa ibang tao lalo na sa boyfriend ko.
"May nasabi bang masama si Papa sayo?" kunot noo kong tanong.
"Tungkol sayo, walang masama roon."
"Sigurado ka? Bakit ganyan tanong mo?"
Kung maayos ang pagpapakilala ni Papa sa kanya, hindi siya mag-iisip ng negatibong sagot doon.
He shrugged and chuckled. "He's willing to choose a Chinese for you."
"Ano bang pinag-usapan niyo?" nahahabag kong tanong.
"It was all about you, Zoia. Of course." He sighed with a little smile. "I understand your father for thinking about your future life with a Chinese partner, hindi ka maghihirap hanggang sa apo mo."