#TTV6

33K 1.6K 719
                                    

#TTV6

"Huy, sino raw may crush kay Zoia r'yan?" siko ni Olga kay Thea sa kanyang tabi na abala sa pagchi-cheer kila Brent.

"Olga..." saway ko.

Winchell was busy watching the game, nasa kandungan niya si Hopia ngayon at natutulog. Naaawa talaga ako kay Hopia, hindi ko alam kung paano ko siya isasama sa akin pauwi mamaya at iyon pa rin ang nagpapabigat sa dibdib ko hanggang ngayon. Ayaw ko naman iwanan ulit kay Winchell, nakakahiya na talaga iyon. Inabala ko na nga siya kanina, e. Pasalamat na akong inalagaan niya si Hopia.

"Huy," pangungulit ni Olga kay Thea.

Kumunot ang noo ni Thea at mukhang hinahanap na sa players iyong inuusisa ni Olga. Uminit ang pisngi ko nang iba ang ituro niyang tao at hindi talaga iyong nasa isip ko kanina. Porque nakasalamin si Ago, iyon na agad, Zoia? Well, he's also studious. It wasn't bad to assume that he was the weird nerd Brent was talking about, sa isip ko lang naman iyon kanina.

"Hindi guwapo."

"Grabe ka naman, hot naman at may sex appeal."

"Maganda ang katawan, e!"

Sakto lang. Medyo maitim siya pero may appeal sa loob ng court, nasa mga athletes na yata talagang magkaroon ng dating kapag naglalaro. Though, he was really acting weird. Brent was right. Panay ang tingin niya sa aming gawi kahit naglalaro, nakikita ko tuloy ang ngisian nila Brent dahil napapansin din iyon.

Does he really have a crush on me? I can't believe it. Hindi naman ako maganda. 'Tsaka paano siya nagka-crush sa akin? Ngayon ko lang siya nakita.

Tumawa iyong isang kaibigan ni Thea, si Lana. "Hindi rin naman kagandahan si Zoia, bagay sila."

My face heated in embarrassment when it passed my ear, naramdaman ko ang bahagyang lingon ni Winchell sa akin pero inagapan iyon sa pamamagitan ng pagtuon niya sa mga naglalaro. Hindi naman siguro niya narinig, at ano naman kung narinig niya? Bakit ako mahihiya roon? Nakikita rin naman niya ang katotohanan.

"Hindi ka rin naman maganda, Lana. Quiet na ka na lang," ani Olga.

Umiwas ako ng tingin at kunwaring walang narinig pero umuulit iyon sa isip ko at nagtatanong.

What do I really look? Hindi ko alam, hindi kasi ako mahilig tumingin sa salamin. Ayaw kong pintasan ko rin ang sarili ko sa oras na pagtuunan ko ang repleksyon. I don't really think I'll like my appearance.

Pero kung sakaling maganda ako, mas maayos siguro akong itatrato. Ang gulo, hindi ko na alam kung alin talaga ang magpapaayos sa trato ng mga tao sa paligid.

Everything feels so caged.

I sighed and decided to focus on watching the game, si Chicago ang madalas na pinapasahan ng bola sa kanilang team. Mukhang siya ang inaasahang may shooting doon, napansin ko lang na magaling nga siyang humawak at magbitaw ng bola. Isa pa lang yata ang nagmintis, he seems so used to play basketball as if he has the pulse of the ball that he wouldn't miss a shot from any angle. Magaling siya. Kung sabagay, iyon nga ang dinig kong kinaiinggitan sa kanya noong mga lalaki sa carenderia.

"He's so good!" may gigil at manghang utas ni Olga.

"Kaya nga, tambak na sila Brent!"

I saw Hopia move, Winchell's hand slightly caressed her back. Napangiti ako at marahang humaplos din doon, tumingin si Winchell sa kamay ko bago sa aking mukha. Hopia stood up that made me lose his eye contact, maliit na umiyak si Hopia na tila gusting bumaba.

"I think she needs to pee or something..." he said. "Ilalabas ko muna siya saglit."

Tumayo ako at kinuha si Hopia. "Ako na, manuod ka na lang dito."

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon