#TTV27

35.7K 2.2K 1.9K
                                    

#TTV27





I didn't make it a big deal anymore or anything I heard about girls around him because it's normal—I've been hearing a lot about girls who were crazy over him even with boyfriends, nothing's new.

Basta ba alam kong mutual understanding ang amin, wala akong dapat ipangamba.

The days keep running until his graduation day, I have saved money from my allowance and it wasn't for Chago's graduation gift. Ugali ko lang talagang mag-ipon para may mabubunot kahit papaano pero ngayon gusto ko siyang bigyan ng regalo bukod sa letter.

Wala akong alam na gusto niya, e. Hindi kasi siya materialistic talaga pero salamin iyong naisip ko. Natanong ko na rin sa kanya noon ang grado ng mata niya kaya alam ko at hindi ako nahirapan magpasadya ng salamin para sa kanya.

"Pinalagyan mo ba ng short message sa frame?" Xamarah giggled.

Lumunok ako nang hablutin niya ang regalo ko at binuksan iyon para tingnan ang salamin sa loob, ingat na ingat siya habang tinitingnan ang magkabilang gilid.

"Ano 'to, hindi mabasa? Wait!" she narrowed her eyes while reading. "Chago Lavarios." Binasa niya pa iyong nasa kabila. "My favorite person! Oh my God! Nakakakilig naman!"

Uminit ang pisngi ko. Xamarah suggested it but I decided what to put there; Chago Lavarios and My favorite person on the alternate sides.

"Okay lang ba?" I asked.

She giggled. "Oo, super simple pero nakakakilig at nakakatouch!"

"Anong nakakakilig 'yan, Marah!" puna ni Aiken nang makapasok din sa kuwarto ko at may dalang tray ng merienda. "Ang tagal na natin, kinikilig ka pa rin sa iba!"

"Wala, tsismoso ka!" kinikilig pa rin na sambit ni Xamarah at kinuha ang tray kay Aiken para makakain.

Agad kong kinuha ang salamin sa kanya at tinago.

"Parang flash, ah!" asar ni Aiken nang makita ang ginawa ko. "Ano 'yon?"

"Graduation gift!" sabi ko at kinuha ang isang paper bag na para sa kanya. "O, para sayo. Simple lang 'yan, kumpleto ka na kasi sa magagandang gamit. Wala na akong maisip na ibigay. Hindi ko kaya ang Lamborghini."

He looked surprised with a teasing smile on his lips, kinuha niya ang inabot ko at agad tiningnan iyon.

It was a beige pastel colored shirt, pinasadya ko rin iyong nakaprint na the best kuya sa ibabang parte ng tela. He laughed enthusiastically, hinubad niya ang shirt niya at agad pinalit iyon.

Nakakamangha na hindi ako mali sa size dahil sakto sa katawan niya, kasama ko si Chago noong bilhin iyon at siya ang pinagsukat ko. Dahil mas malaki si Chago ay pinili ko iyong fit at maliit sa katawan niya para kay Aiken.

"Bakit nasa baba? Dapat nasa gitna!" reklamo pa niya. "Saktong-sakto, ah!"

"Common na 'yon!" tawa ko.

"Nagreklamo ka pa, ewan ko bakit the best pinaprint ni Zoia diyan! Iyon ang dapat ireklamo, hindi ka naman the best!" asar ni Xamarah habang kumakain ng merienda sa kama ko.

Aiken stuck his tongue out. "You already said that I'm the best boyfriend you ever had on our seventh monthsary! Partida, seven months pa lang natin pero the best na agad! Hindi 'yan uubra sa akin!"

Nagtawanan kami. Madalas silang mag-asaran at nakakatuwang panoorin.

I couldn't help but think about Chago... paano kaya iyon maging boyfriend? Siguradong hindi gaya ni Aiken, siyempre. Masungit iyon, e. Magiging sweet kaya siya?

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon