#TTV17

30.8K 1.5K 523
                                    

#TTV17


Sa ospital ko na lang pinadiretso si Aiken, mula Maynila pa siya kaya natagalan pero ayos lang naman dahil hinihintay pa rin namin si Angelo na mailipat ng silid.

I texted Joana and thanked her for helping Angelo for the past weeks, sabi ko sa kanya na wala pa akong maibabalik sa kanya pero sisikapin kong makabawi. Joana is really a good friend, I didn't expect what she has done for them and she really kept it from me because that's what I told her the last time we met. Tatanawin kong malaking utang na loob iyong tulong niya kay Angelo at Angie.

Nakakatuwa na kahit hindi siya kamag-anak ay nakatulong pa siya sa kanila habang ako ay puno ng galit sa ina kaya kahit kumustahin sila ay hindi ko nagawa.

My heart hurt at the thought.

It took an hour or two when Aiken arrived, natanaw ko siya sa nurse's station na tila nagtatanong kaya agad ko nang tinawag. He looked worried as we reached each other, he held my shoulder and gently caressed it.

My eyes heated, hinila niya ako para yakapin at aluin ang likuran ko. I cried on his chest quietly.

"I don't know a single thing about your family but we'll get through this, okay?" he said, I nodded. "Let's talk about your brother's situation, first. How's he?"

Kumalas ako sa kanya at sinabi ang kalagayan ni Angelo ayon sa doktor na nakausap ko kanina.

"Okay, so do we need to transfer him to a hospital with better facilities? Or he's fine here?"

"Dito na lang, malapit lang ito sa bahay kaya mas madali siyang mapupuntahan."

He nodded. "And your Mom? Which station and what are the charges?"

I sighed heavily. "N-Nagnakaw sa amo niya at nahuli."

"Damn..." umiwas siya ng tingin at nakapamaywang ang isang kamay, mukhang problemado sa sarili kong sitwasyon. "I'll make some calls, I have a friend that can help. Ano o magkano ang nanakaw?"

"Hindi ko alam... pero... hindi naman ganoon iyon, kung hindi lang siya nagipit."

I just don't want him to think bad of her, baka hindi niya tulungan iyon kung ganoon.

He looked at me and nodded. "I know, you grew up well in her household for long years. I know she's a good mother. Don't worry, we'll get her out."

"Sana, kasi nagwawala si Angelo kapag hindi nakikita si Mama... ilang araw na raw siya sa kulungan," may pagmamakaawa kong tono.

Tumango siya ulit. "Ikaw lang ba mag-isa simula pa kanina?"

Huminga ako ng malalim at nilingon sila Chago at Winchell, nasa waiting area sila at nakaupo roon. Nakangisi si Winchell at tumatango sa pinag-uusapan nila, si Chago naman ay bahagyang tamad ang postura habang tipid ang pagbuka ng labi sa sinasabi.

"Uh, may kasama..."

"They're with you? Who's the other guy?" pangunguna ni Aiken sa nais kong iparating.

"Siya iyong kasama kong pumunta sa bahay magmula pa kanina at tumulong sa akin magdala kay Angelo rito, schoolmate ko si Chago."

"Chago?" kunot noong tanong niya habang nakasulyap sa dalawang lalaki, 'di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Chicago Lavarios..." sambit ko.

"And Madrid?"

I took a deep breath and bowed a bit.

"Noong hindi kita matawagan, sa kanya ako tumawag para manghingi ng tulong pinansyal."

"That Chicago couldn't lend?"

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon