#TTV7
Days continued rolling slowly and Papa was home every weekend only, hindi pa rin humihinto si Maricel sa pagsasalita sa akin ng hindi maganda pero masaya akong hindi na pinapalayas si Hopia gaya noong nakaraan.
That was when I appreciated Aiken's help; he defended Hopia including me to stay in the house. Simula noon, mas sinisipigan kong gumawa sa bahay para hindi mapuna. Nakakatakot kasi na baka si Hopia ang pagbuntungan ng galit at palayasin ulit kami.
In the morning, I was cleaning the backyard and helping in the kitchen like organizing the utensils and plates; or mopping the floor. Hindi ako madalas kumain sa mansyon pero ginagawa ko ang paghuhugas ng plato tuwing uwian dahil iniiwanan talaga nila iyon sa gabi para may gawin ako kahit na mayroon naming ibang kasambahay na puwedeng gumawa noon. Kapag weekend ay parang day-off ko dahil kay Papa.
"Aiken..." tawag ko nang maabutan ko siyang naghuhugas ng plato sa kusina.
He exhaled slightly and turned to me. "You're home."
"Oo, bakit ka naghuhugas ng pinggan?" Nilapag ko ang bag at lumapit sa kanya.
"To see what's so enjoying that you kept on doing this."
Lalo akong nagtaka.
"Gawain ko talaga 'yan, ako na ang magtutuloy n'yan."
"Patapos na 'to, sinabi ko sa mga kasambahay na hindi mo 'to gagawin ulit dahil isusumbong ko sila kay Dad."
"Pero utos iyan ng Mommy mo at ayos lang din sa akin na gumawa rito."
He sighed and looked at me. "Maybe, we didn't get to start in nice way as siblings but now that I see how they're treating you here, I know how to stop them and I would. Please, let me stand as your Kuya."
I can see the sincerity in his eyes, awang-awa siguro siya sa akin. Tama siya, hindi nga kami gaanong nagkakasalamuha dahil alam kong galit din siya noon sa akin. Nasaktan siya sa rebelasyon at naintindihan ko iyon, madalas din siyang wala sa bahay dahil sa pag-aaral at barkada kaya hindi talaga kami nagkakilala ng lubos bilang magkapatid. Ako naman ay iwas sa kanya.
Of course, I always know my stand in their family. I'm like a kitten.
Tuwa ang kalooban ko dahil parang nagkaroon ako ng kakampi sa bahay kahit wala si Papa at kagaya ng sinabi ni Aiken, hindi ko na naaabutang marumi ang lababo pag-uwi. Sa umaga na lang iyong gawain ko sa bakuran para magwalis ng mga dahon.
"How's your pet, Zoia?" sa kawalan ng matatanong ni Olga ay iyan ang naisipan niya.
Dalawa lang kami ngayon sa lamesa habang kumakain ng lunch, nakakatakang wala si Barry at walang parang ahas na nakalingkis sa kanya.
"Ayos naman, nasa kuwarto ko lang siya."
"Hindi ba 'yun umiiyak at nalulungkot doon? Sabi nila mas okay na malaya ang aso."
"Hindi naman siguro, mas iiyak iyon kapag pinakawalan ko siya dahil babatuhin ng tsinelas ni Maricel."
"Naku! Iyan talagang evil stepmom mo, ang sama ng budhi! Talaga? Pati ba naman aso, pinapatulan niya?"
I only nodded and sipped on my water.
"Where's Barry?"
Parang nawalan siya ng gana sa pagkain kaya ibinaba ang mga kubyertos.
"We broke up last night, huwag mo nang tanungin sa akin 'yon!"
My jaw dropped. "Huh? Why? What happened?"
"Ikaw, nagiging tsismosa ka na at madaldal!" aniya at umirap sabay nagbuntong-hiniga. "Complicated. Ayaw sa kanya ng parents ko, e. Ayaw din sa akin ng Mommy at Ate niya kaya quits lang naman. 'Yun, sabi sa akin 'pag hindi ko raw hiniwalayan si Barry, ipapadala ako sa U.S. at doon mag-aaral."