#TTV13

30.5K 1.5K 652
                                    

#TTV13

Aiken listened to me the whole time, I just told him how they were treating me as their equal in the house. I know it doesn't sound a big deal for me because I'm used to it. Besides, I wanted to do the chores willingly.

Tungkol doon lang ang sinabi ko, ayaw ko rin namang lumala pa ang nasabi niya kay Leng. Nakakaawa rin naman iyong tao, bata pa siya at kailangan ng trabaho. Hindi sa nagpapakabuti ako pero naiisip ko rin iyong sitwasyon niya. Isa pa, hindi naman porque pinagsasalitaan niya ako ng masama ay ibabalik ko na iyon dahil hindi tama.

Ayaw kong makarma. Pabalik-balik lang iyon at lumalala. Sa ngayon, ayaw ko dahil masyado nang mabigat ang loob ko sa sariling buhay.

His brows were furrowed, jaw was clenching.

"That's not right, Zoia. You shouldn't tolerate our maids to treat you like that. You should stand on your right here!" he said. "Kaya pala panay pasaring sa akin si Cairbre kapag magkasama kami. Hindi ko naman makuha masyado dahil clueless ako sa mga nangyayari rito. Hindi ka nagsasabi sa akin."

I played with my fingers and sighed. "Ayos lang naman iyon, natatakot lang ako sa pananalita nila... n-naaapektuhan kasi ang lahat sa akin."

"Kaya nga, sa susunod na pagsalitaan ka ng kahit sino sa kanila, sabihin mo agad sa akin. Kahit nasaan ako, kaya kong tumawag para takutin iyan. Hindi kasi dapat hinahayaan, see what happened? That Leng was scolding and commanding you as if she was your boss!"

I smiled a bit while looking at him. "Thank you pala roon, sigurado akong magbabago na ang tungo niya sa akin."

"Hindi na dahil tanggal na siya," aniya na ikinasinghap ko. Tumalim ang mata niya. "At wala kang magagawa roon. Kung sino pa ang magsasalita sayo, kahit si Nana Osang... wala akong pake, negatibo sila sa akin at gagawin ko lahat para mapaalis sila."

Kinagat niya ang ibabang labi at tumingin sa mga kaibigang nagkakasiyahan sa pool. Nasulyapan ko si Kael, mayroon talaga akong takot sa presensya niya. Lalo pa noong pinipilit nila akong sumabay sa kanila, mabuti na lang talaga at naroon si Chago.

"Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo."

Tumango ako at umambang aalis ngunit may pahabol pa siya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya at takang tiningnan ang paper bags na dala ko. "Ano 'yang mga dala mo?"

"Pagkain ni Hopia..." sabi ko na lang.

Iyong mga pinamili kong pagkain para sa akin iyon, para may reserba ako sa kuwarto. Kapag umalis na si Aiken, mas madalas akong kulong sa kuwarto panigurado dahil ayaw kong mapuna ng mga mata ni Maricel.

"Dad's giving you weekly allowance, right? Pinambibili mo lahat niyan?"

"Hindi naman. Iniipon ko ang iba."

Ang allowance ko sa isang linggo ay hindi naman malaki at sakto lang. Two hundred bawat araw, nakakaipon naman ako roon pero madalas talaga ay kay Hopia napupunta. Mahal kasi ang dog food at vitamins niya, pati na rin iyong shampoo at sabon. Kung tutuusin mas maarte pa si Hopia sa akin.

"I'll be moving to Manila, doon na rin ako mag-aaral kaya baka weekend lang ako nandito o dalawang beses sa isang buwan kapag hindi gaanong crowded sa school," imporma niya.

I nodded. Alam ko na ang tungkol doon, hindi ko alam kung bakit parang nagpapaliwanag pa siya.

"Magsabi ka sa akin kung may kailangan ka, kahit sa text lang."

Nakita kong lumalapit na sa gawi namin si Tristan, hindi napansin ni Aiken dahil nakaharap siya sa akin. Tristan was smiling at me, he's dripping wet from the pool he was in.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon