#TTV8

31.6K 1.5K 989
                                    

#TTV8

Almost ten in the evening when I got home safely, sobrang traffic dahil may banggaan pa sa nadaanan ng jeep. Gusto ko nang lakarin ang village kaso buhos din ang ulan kaya mahirap talaga. Halos isa't kalahating oras na stranded ang sinakyan ko.

Kabado ako nang pagpasok ay nakita ko si Papa sa tanggapan, nagkakape habang nanunuod sa flat-screen. Balita iyon tungkol sa politika, his eyes quickly found me as I went in quietly. Nagbago agad ang ekspresyon niya at hindi maikakaila ang pag-aalala at iritasyon sa magkaparehong oras.

"Where have you been, Amaia?" his voice thundered.

Napayuko ako sa kaba. Ngayon langv siya nagtaas ng boses, kahit kailan ay hindi ko narinig ang ganoong sigaw niya noon.

Tumayo siya at nilapitan ako na tila sinusuri.

"Hindi matawagan ang cell phone mo, kanina ka pa hinahanap ng kapatid mo at ni Eduardo!"

"I'm sorry..." sabi ko. "Nastranded p-po ang jeep na sinasakyan namin dahil may banggaan."

I don't know what to feel exactly but it feels nice, well, in a wrong situation. Nakakatuwa dahil may pag-aalala? Parang ganoon ang namuo sa akin.

"And you didn't care to inform us!?"

Nagyuko ako lalo. "Namatay po ang cell phone ko."

"Jesus, Amaia!" Papa said stressfully, he looked so problematic and anxious.

Lumabas si Maricel mula sa kusina kasama si Nana Osang, lumapit si Maricel para sermonan ako lalo. Nanggagalaiti sa galit at pag-aalala para kay Aiken.

"Oh, umuwi ka pa!? Nasaan si Aiken?"

Umiling ako dahil hindi ko alam.

"You're stressing us, you irresponsible girl! Wala ka talagang dulot kundi sakit ng ulo!"

That made me close my eyes tight for a second.

Papa was making calls but I heard him stopping Maricel, narinig kong si Eduardo ang kausap niya at sinabing narito na ako. Pinahahanap niya ngayon si Aiken.

"My God! Tawagan mo si Aiken at sabihing narito na ang iresponsableng batang 'to! Bakit kasi hindi na lang niya hinayaang si Eduardo ang kumilos! Pati si Aiken nadadamay sa ganitong problema ng anak mo, Anton!"

Mas lalo tuloy kumakalabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung mapapahamak si Aiken at Eduardo dahil sa paghahanap sa akin.

Shit. I feel so bad. Si Aiken, baka mapaano siya!

"Stop it, Maricel!" ani Papa sabay sagot sa cell phone. "Son, you can go back now. Yes, she's already here. Be careful on your way. Madulas ang kalsada."

Nabunutan ako ng tinik doon. Thank God, he's fine.

Maricel gasped in relief when she heard that, tumalim ang baling niya sa akin na tila hindi pa siya tapos. Naiiyak ako, nag-aalala rin ako na hinanap pa ako ni Aiken sa ganitong oras ng gabi.

Papa sighed while looking at me.

"Umakyat ka na at magpalit, Amaia," utos niya.

I nodded and apologized again. Pagtapos ay umakyat na ako sa silid, inuna kong tuyuin gamit ang blower si Hopia. Mukhang sinisipon na siya kalamigan, marahan ko siyang nilapag sa kama at kinumutan.

Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa sigaw ni Papa kanina pati na rin sa paghahanap sa akin ni Aiken, ayaw ko naman talagang mangyari iyon. Hindi ko sinadya pero tama si Maricel na iresponsable akong tao.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon