#TTV26

35.5K 1.7K 1K
                                    

Someone asked if there's a hashtag for twitter, the hashtag is just the #ttv and the chapter. If you wanna share your thoughts. Thank you.

#TTV26


I couldn't believe it, ang saya-saya ko lang buong hapon na kasama siya nang araw na iyon. Hindi ko alam kung anong mayroon sa amin pero sa pandinig ko ay mutual understanding iyon.

He didn't clear it, too. We were both silent in his house, naging abala rin kasi siya sa tinatapos niyang project kaya hinayaan at pinanood ko lang siya.

Kasama ko si Winchell sa Alpha sa sumunod na araw nang matapos ang klase ko at break time naman niya, iba talaga ang schedule ni Chago kaya hindi ko siya nakakasama ng ganitong oras.

Nagtatawanan kami ni Winchell sa pinapanood namin sa iPad niya, it was a cartoon with talking animals and it was really funny when they were fighting.

"This is my favorite cartoon!" tawa ni Winchell. "Anyway, I'm planning to adopt more dogs, do you want one?"

Ang hilig talaga niya sa hayop.

Ngumiti ako. "Ayos na si Hopia sa akin, Win."

He nodded. "I'm glad you're a loyal owner!"

"Ikaw lang naman ang hindi!"

We both laughed.

I simply checked my cell phone, wala pa ring text si Chago. Alam ko namang hindi siya mahilig magtext pero medyo umaasa kasi ako sa bagay na iyon.

"Ang dami kasing aso sa mga shelters na napupuntahan ko, hindi ko maiwasan na mag-ampon lalo na kapag nakikita kong hindi ideal 'yong lugar masyado at naghihina sila."

"But who are your main dogs?"

"Isa lang ang aso ko sa loob ng bahay, si Otis."

"Anong breed?"

"Pitbull."

"Are they friendly? Dangerous daw mga pitbull, e?"

"They're wild but it depends on how the owner handles them while growing. Iba-bang klase kasi sila, may fighter at mayroong hindi." He smiled. "And for me, they're the most loyal."

"Talaga? May balak daw mag-alaga si Aiken, e. Pitbull ba ang i-suggest ko?"

He laughed. "Puwede."

My cell phone vibrated on the table, kinuha ko iyon para basahin ang text.

Chago:
Are you dismissed?

Ako:
Yes.

Chago:
The class just ended but I have to attend a group meeting.

Ako:
Okay. Kasama ko lang si Winchell sa Alpha ngayon, baka uuwi na rin ako pagbalik niya sa Sinclair.

Baka hindi kami magkikita ngayon kasi may group meeting pala sila, siguradong gagabihin siya. Ganoon naman kapag abala siya sa school.

Chago:
Routine?

Ako:
Hindi naman, natataon lang.

Hindi siya nagreply at medyo bothered ako kaya sinundan ko iyon.

Ako:
Okay lang naman, 'di ba?

Why do I feel so bothered about it? Naalala ko iyong usapan namin tungkol sa pakikipagkaibigan sa opposite sex kapag may girlfriend na siya.

Chago:
I'm not your boyfriend

Uminit ang pisngi ko sa hiya. Shit, sabi ko nga.

Ako:
Natanong ko lang hehe sorry. I guess this is okay, then.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon