#TTV28
We celebrated the day, tatlo lang kaming magkakasama pero sobrang saya ng bawat pangyayari.
"This is on me," Winchell insisted as the bill arrived on the table; he took it. "Pero sa graduation ko, si Ago ang sasagot!"
Chago shook his head and tsked. "Ako na rito... ayaw kong sagutin ang graduation mo."
Natawa kami ni Winchell.
Kung alam lang ni Winchell ang estado ng parents ni Chago... hindi iyan mag i-insist manlibre sa bawat labas namin kahit noong mga nakaraang buwan.
Simula nang malaman ko iyon, hindi na ako naaawa kay Chago pagdating sa estado ng buhay kasi mula pala siya sa mayamang magulang kaso ang patuloy na bumabagabag sa akin ay iyong trato sa kanya. Bakit siya pinabayaan lang tapos ngayon hahanapin?
I know how hard it is, halos five years pa lang simula nang abandonahin ako ni Mama at hirap na ako. Ano pa iyong sampung taon na mag-isa si Chago?
"I know you can pay but I insist!" pilit ni Winchell. "Ang kuripot mo, mauuna ka sa aking magkaroon ng trabaho. Hindi na mahirap ang pagsagot sa date nating tatlo—"
"Date ka diyan." Ismid ni Chago. "Hindi 'to date."
"Friendly date! Happy?" Winchell laughed. "You're so jealous, ikaw naman ang pinili!"
I was chuckling while listening to them. Nagets ko na iyong mga himutok at pasaring ni Winchell simula pa kanina, hindi ko kasi talaga naitatak sa isip na nagakagusto nga pala siya sa akin noon.
How I see Winchell in everyday is purely a good and gentleman friend. A best buddy of Chago that he could always count on, sa ilang buwan na iyon—sila ang naging matalik na magkaibigan.
At the end of their argument, Winchell won and had their deal together that when he started his residency—Chago will pay for everything on the table. Hindi na rin nakaangal talaga si Chago dahil nang dumating ang waiter ay binigay niya agad ang credit card.
Napakadalas ni Winchell manlibre, hindi kasi siya nahihirapan sa pera. I wonder about Chago? Kung malayo siya sa pamilya ng ganoon katagal, saan siya kumukuha ng pera? Does he work? He's capable to work but is it enough for him to finish college without having a hard time?
Our day ended and I can't still stop smiling, hinatid nila ako sa tapat ng mansyon. Kilala ang sasakyan ni Winchell kaya diretso lang nakapasok sa village.
"Salamat ngayong araw!" sabi ko sa kanilang dalawa bago buksan ang pinto, nilingon ko ulit si Chago sa tabi at nginitian. "Congrats ulit..."
Chago was just looking at me, puckering his lips slightly. My cheeks heated because I feel like he doesn't want me to go like that.
"M-Magkita na lang tayo bukas..." pampalubag loob ko pati sa sarili.
Sapat na iyong pagsasama namin kanina, napasaya na ako noon.
Winchell whistled and I heard him opening his door to exit. "Take your time, basta usap lang. Dito muna ako sa labas."
Chago laughed gruffly at that. "Thanks. I really appreciate that."
Humalakhak lang si Winchell at tuluyan kaming iniwanan, napalunok ako at sinundan ng tingin si Winchell na nagbukas ng cell phone niya at naupo lamang sa hood ng sasakyan.
Chago moved closer to close the door on my side again, halos mabulunan ako sa tibok ng puso ko lalo pa nang bahagya siyang yumukod para i-lebel ang mukha sa akin.
"U-Uh..." I bit my bottom lip and looked at him but I couldn't last long, mabilis din akong nag-iwas.
Umiinit talaga ang mukha ko kapag naalala iyong sinabi niya kanina sa akin, para akong kukulangin sa paghinga tuwing nag e-echo iyon sa tainga ko.