#TTV39
"Thank you, Zoe!" Maggie said smilingly.
"You're welcome! Thank you rin!"
Maggie is Rafael's fiancee and they have a three year old little daughter, I didn't hear anything about him after graduating college in Crestview University three years ago but I always deliver orders to Maggie which I never expected to be Rafael's woman. This place is just really small, nito ko lang nalaman na isang Rafael lang pala ang kilala namin.
"Order ulit ako sayo, paborito na kasi ng baby ko ang cookies mo! Gustong-gusto niya sa gatas!"
I chuckled. "How is she, by the way?"
"Ayos naman na iyong rashes niya, napatingnan na namin noong isang araw at binigyan lang ng ointment."
I nodded and looked at my car in front of us.
"Ikaw, wala ka pa bang baby? Parang ang dalas mo mag-deliver, e!"
"Wala pa..."
"Hindi ba matagal na rin kayo ni Chicago? Bakit wala pa? Kasal na ba kayo?"
My heart fluttered. "Hindi pa, hindi pa rin namin napagpaplanuhan iyon."
"Bakit naman? Ang saya kaya na may baby sa bahay, nakakabawas pagod talaga. Medyo magastos pero masarap sa pakiramdam na uuwi ka sa bahay at may sasalubong na anak sayo!" magiliw niyang kuwento.
Honestly, sa lumipas na dalawang taon ay nahihilig ako sa mga bata lalo na kapag nakikita ko iyong mga nagbi-bisekleta sa village. They are so adorable while playing and laughing together, I want to have a kid at home but I'm still hesitating. Pinagtatapos ko pa ang kapatid ko sa college, e.
Dumiretso ako sa mall pagtapos kila Maggie, we just talked about her daughter that made me feel happy before I bid my goodbye. Namili lamang ako ng mga kailangan ko sa Supermarket, hindi rin sadyang napadaan ako sa infant section kaya naglakad ako sa stall habang tulak ang cart na puno ng baking ingredients at inaliw ang sarili sa pagtingin sa mga damit pambata.
I took my cellphone out while walking through the section, I thought about Chago. I dialed his number, habang hindi siya sumasagot ay kumuha ako ng kulay pink na damit at inangat para tingnan.
I smiled while caressing the cloth.
"Mahal..." Chago's voice suddenly echoed on the line.
Inipit ko sa tainga at balikat ang cellphone bago nilagay sa cart iyong damit ng baby. Napansin ko iyong tingin ng isang lalaki sa akin at sinulyapan ang nilapag kong damit sa cart, napailing siya sabay iwas ng tingin na tila dismayado.
I creased my forehead, naglakad na siya palabas ng section. I shrugged it off.
"Random call lang." I chuckled. "Kumain ka na?"
"Kakain pa lang, nasaan ka?"
"Sa mall, bumili ako ng ingredients."
"Uh-huh, are you lonely or..." he trailed off. "May nangyari ba?"
"Wala naman, random call nga lang!" tawa ko, masyado 'tong seryoso! Kinakabahan tuloy ako sa gusto kong sabihin kahit normal lang dapat iyon.
"You've never done this before unless you need me or you feel anxious at home." He sighed.
Hindi naiiwasan iyon, minsan talaga ay nakakaramdam ako ng frustrations sa mga bagay-bagay lalo na noong mayroon naninira sa business ko. For years, I learned a lot of new things and I've been dreaming of having my own bakeshop. Kahit maliit lang, nagagawa ko naman sa bahay ang pagbe-bake at dini-deliver ko rin kung sa malapit lang. Unti-unti kaso nasiraan ako kaya parang nasa umpisa ulit ako para makabawi mula roon.