#TTV47

37.2K 1.2K 452
                                    

#TTV47


"Zoia!" maligayang kaway ni Gertrude.

Aiken followed her after locking the car, nasa balikat niya iyong bag ni Gerry habang nakabusangot. Nakakataka na narito sila ngayon, wala naman silang sinabi sa akin na pupunta.

"Gerry! Nakakagulat naman ang pagbisita niyo!" natatawa kong sambit nang makalapit siya at salubungin ako ng beso.

Tumango si Aiken sa akin at nauna pang pumasok sa bahay, sumunod kami ni Gerry habang maingay na nag-uusap.

"Sorry! I just went back from Palawan!" kwento niya.

Si Aiken ay dumiretso sa dining area at bumalik na may dalang water jar at baso, nagsalin siya roon para abutan si Gertrude — inilingan ni Gerry iyon at nagpatuloy sa pagdaldal sa akin kaya siya na lang ang lumagok.

"Galing kang Palawan?" may gulat kong tanong.

She nodded. "Yes! I really wanted to go there with my best friend kahit sana ilang araw lang, so I went there with my best friend two days ago!"

"And?" nalilito kong tanong at sinulyapan si Aiken na tahimik ang iritasyon, nakatayo sa likuran ng sofa at nakahawak roon habang umiinom ng tubig.

Umirap si Gerry sa kanya. "At iyang matatampuhin mong Kuya—"

"Anong matampuhin!" reklamo ni Aiken agad. "Iniwanan mo ako sa condo at wala akong sinabi dahil alam ko naman 'yang plano niyo! Pero hindi mo sinabing kasama pala sa bakasyon ninyo ang ex mong mahal na mahal mo!"

"Mahal na mahal?!" she scoffed. "Sobrang OA mo talagang magkuwento! Nakakairita ka, hindi mo na talaga dapat ako sinundo sa airport at ako na lang ang mag-isang tumuloy rito!"

"That!" Aiken pointed out with irritation. "Ganyan bigla, 'di ba? Hindi naman 'yan ang kinagagalit ko!"

"Didn't I explain that? That ex is already my best friend's sister's fiance! And I have a fiance, too! Doon sila nakatira sa Palawan kaya automatically na magkikita kami at sinasama kita, 'di ba? Pero ayaw mo tapos magagalit ka sa simpleng group photo na nakita mo?"

Aiken gasped in disbelief. "Sasama ako sa bakasyon ng ex ko at magpi-picture kami, may selfies pa, matutuwa ka?"

Napasapo ako sa noo ko, bigla yatang sumakit ang ulo ko.

Hindi ako nagsalita at hinayaan sila sa argumento, heto ang gawain ni Gerry tuwing nag-aaway sila ni Aiken ay pumupunta rito para maglabas ng sama ng loob. Sa gabi ay sinusundo naman ni Aiken at ayos na ulit sila.

Gerry gasped sharply as her eyes.

"E, 'di sumama ka kay Xamarah at magbakasyon kayo! Nahiya ka pang banggitin ang pangalan ng ex na mahal na mahal mo!"

Oh my God! What's happening? Bakit ex ang pinag-aawayan nila bigla! Mabuti na lang talaga at walang ex girlfriend si Chago na nakilala ko, hindi ako problematic sa ganitong sumbatan. Wala rin naman siyang bala sa akin kaya hindi kami nagtalo na may ibang pangalan.

"Jesus Christ!" singhap ni Aiken at hinilamos ang palad sa kanyang mukha. "See that? I'm just giving you the same scenario, Gerry! What would you feel? Magagalit ka, siyempre! That was an initial reaction, alangan matuwa ako roon, e, wala kang binanggit na makakasama niyo 'yon!"

Gerry sobbed emotionally, then she covered her eyes with her palms as she started crying.

"That's why I decided to cut my vacation and went home today! Why are we still fighting about it?! Umuwi na nga ako para hindi ka na magalit, e!"

Sinulyapan ko si Aiken habang inaalo ko na ang likuran ni Gerry, hindi ko alam ang sasabihin dahil may mali rin si Gerry sa hindi pagsasabi kay Aiken pero dapat ay mag-usap sila nang maayos. Ang tagal na nila para mag-away pa sa ganyang dahilan.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon