#TTV19

30.7K 1.5K 620
                                    

#TTV19



Following weeks have been slightly better because I rarely stay at the mansion, si Hopia lang ang inaasikaso ko sa umaga bago umalis at sa madaling araw umuuwi para lang din sa kanya—iyon ang ikot ng buhay ko. Madalas sabihin ni Tata na hinahanap ako ni Maricel parati at kung bakit hindi raw ako tumutulong sa gawaing bahay. Tuwing weekend naman ay sumasabay ako sa kanila para kay Papa at hindi ako mahalatang umiiwas.

Isa pa, naiirita ako sa kanila dahil pinipilit nila si Evren sa akin nitong nakaraang linggo. Since Maricel was never my fan, she doesn't like me for Evren too. Tuwing nasa bahay lang si Papa napupunta si Evren at kapag wala ay hindi ko alam ang excuse ni Maricel para hindi iyon makabisita. That's a good thing, though.

Evren and I were somehow text mates for weeks but he doesn't seem interested in me as I do that made us fair.

"Bye, Zoia!" Olga said while giggling, patakbo siyang tumungo sa kotse ni Polo at kumaway sa akin nang umandar na iyon.

Maliwanag pa ang kalangitan, nagpasya akong magpaiwan kasama sila Brent at Rafael sa bilyaran. Naroon pa rin sila Thea at Lance pero abala sa sariling mundo habang ako ay nanonood sa laro nila Brent. We were drinking beers, Thea's treat.

"You should try to get a boyfriend!" Thea said, she stood up while drinking a beer. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

I creased my forehead. "Para saan naman?"

"Stress reliever din 'yon kapag may boyfriend ka kasi parati kang may kasama at makakausap!" tawa niya.

"Nandito naman kayo, e." I shrugged and sipped on my drink, it's refreshing. Always.

Lalo na kapag nakakaantok, nakakatulog na lang ako pag-uwi na walang iniisip pa. Iyon ang nagustuhan ko dahil sawang-sawa na ako sa pag-iisip.

Rafael groaned. "Oh! You should stop advising that!"

"Advice lang naman! Why are you so protective of Zoia? May gusto ka ba sa kanya?" mapanuksong ani Thea.

"No but I know Aiken, Thea! We know him and the family, do you think he'd like us if we're this bad influence to Zoia? Really? Advising her to get a boyfriend, smoking, drinking and such?"

Suminghap si Thea, mukhang na-offend.

"Hindi naman, Raf! Anong bad influence! Gusto ko lang na magsaya rin siya. Ano ka ba, ang tagal na natin siyang kasama pero hindi pa natin nakitang sumaya ng bongga 'yan! I'm just advising her to loosen up and do things to be happy like me and Olga! Having a boyfriend can help!"

"Is that the best advice you can give? Wala na bang iba? Puwede ka namang mag advice ng mas maayos diyan. Iyong pagtuturo n'yo manigarilyo siya, advice 'yon para maging masaya?"

"Bakit? Hindi ka ba nagyoyosi, ha? Kung makapagsalita ka parang drugs naman ang tinuro namin!" naiirita na si Thea.

"Besides, it's her choice," sali ni Lance. "Wala nang kasalanan si Thea at Olga sa kagustuhan ni Zoia, pre."

Rafael brought down his cue stick and walked closer to our table while looking at Lance. Kinakabahan ako sa kanila, lalo na sa itsura ni Rafael.

"Ano, Raf?" Thea chided. "Mananapak ka? Ang OA mo naman kasi, masyado mong bini-baby si Zoia!"

"Tangina, hindi naman 'yon ang punto rito! Mag-isip ka nga!"

"Woah! Wait!" saway ni Brent at tinapik ang balikat ni Rafael. "Chill lang tayo rito! No need to raise voices."

"Rafael," tawag ko. "That's enough and he's right. It's my choice, no one can dictate what I wanna do. Kung ano man ang ginagawa ko, pinili ko 'yon."

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon