#TTV5

36.7K 1.6K 580
                                    

#TTV5

Nasa labas si Winchell ng kanilang saradong pet shop nang maabutan ko, nilalaro ang susi ng sasakyan sa daliri habang ang isang kamay ay nasa baywang at ginagala ang tingin. The worry on his face was visible as he roams his eyes around. He's wearing an all white uniform matched with white shoes, may tatlong sign pens sa bulsa ng polo at may suot na relo. His hair was in a fixed clean cut now unlike the last time I saw him.

Kahit hindi ko ugaling humingi ng pabor lalo pa sa hindi kalapit na tao ay kakapalan ko na ang mukha ngayon para kay Hopia. I need her safe while I'm studying, naiiyak ako tuwing maiisip na ayaw sa kanya ng mga tao sa bahay.

Pinigilan ko ang emosyong bumibigat bawat hakbang palapit kay Winchell. Nalingunan ako ni Winchell at nagsalubong ang tingin namin, lumapit ako at nakita ko ang unti-unting pangungunot ng noo niya habang pinapanood ang paglapit ko.

"Did you cry?" he asked the obvious.

I just shrugged his question away because I have no time to talk more, I would probably cry my heart out that I don't wanna happen. Mahina na nga ako, magiging mahina pa lalo sa mga mata niya.

"Late na ako sa klase, iiwanan ko muna si Hopia sayo. Uhm..." I bit my trembling lips and removed my backpack to put it on the ground. "N-Nandito ang pagkain niya."

"What happened?"

"Ayaw siya ni Maricel sa bahay kaya dinala ko na lang. Sorry, wala akong ibang mapagdalhan sa kanya at ikaw ang naisip kong makakatulong." Marahan kong inabot si Hopia sa kanya.

"Who's Maricel? Why are you crying? Did she hurt you?"

Tinanggap niya si Hopia kasabay ng mga katanungang iyon habang nakatunghay sa akin. Nilingon ko ang pet shop, sarado iyon kaya nakakataka.

"S-Sarado pala ang shop," nahihiya kong puna at pang-iwas na rin sa mga tanong niya.

"It's really okay, Zoia. I can take her to our house. Tell me what time is your dismissal so we can arrange the time and meet after."

I nodded. I told him that I'd be out at four PM, hindi ko na siya pinaalalahanan tungkol kay Hopia dahil alam kong mas marami siyang alam sa pag-aalaga kaysa sa akin. Binigay ko sa kanya iyong pagkain at laruan ni Hopia.

Tipid akong ngumiti at hinaplos si Hopia habang hawak niya.

"You didn't answer any of my questions, care to enlighten me, at least?" he asked carefully while I was busy caressing my poor puppy.

"Ayaw kasi sa kanya ni Maricel, ayaw niya ng aso sa bahay. Stepmother ko iyon at siya ang nasusunod kaya wala akong nagawa kundi isama si Hopia sa akin." Inangat ko ang tingin sa kanya na nakatingin din sa akin. "May klase ka pa ba ngayong araw?"

He sighed. "I have two hours free time."

Nagkamali yata ako, dapat pala kay Ago ko na lang talaga siya iniwanan. Mas makakaabala pala kay Winchell, hindi ko kasi naitanong kanina at masyado na akong lutang sa problema.

"G-Ganoon ba—"

"But don't worry, I'll take her with me."

"Sa klase mo?"

Tumango siya at marahang inangat si Hopia para titigan, nangingiti siya at humalakhak nang dilaan ni Hopia ang kanyang pisngi.

"Did you miss me, hmm?" he talked to Hopia before glancing at me again. "Anong oras ang klase mo?"

I gasped and started stepping back, kinuha ko na rin iyong backpack ko at sinukbit sa balikat. "Mauuna na ako, late na ako!"

"Ihahatid na kita, doon din ang daan ko." He held out his key fob and clicked it to unlock his car on the roadside. "Hawakan mo muna si Hopia at magdadrive ako." Inabot niya iyon sa akin at hindi na ako nagreklamo.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon