#TTV40

44.7K 1.8K 742
                                    

#TTV40

"Are you sure you're fine?" Papa asked over the line.

"I'm fine."

"If you don't feel okay, we can reschedule the dinner."

"Hindi na, Pa. Nakapaghanda na kayo, sayang naman."

"This is nothing, Amaia. Aiken's already here and we can invite some neighbors for a mini dinner tonight, nakaugalian na ni Maricel mag-imbita tuwing hindi kayo nakakapunta kaya hindi na bago." He chuckled.

"Pupunta po kami, Papa... sure iyon." Natatawa kong sambit. "Don't worry about me, I can manage."

"Alright, then. See you tonight, mag-ingat kayo sa biyahe at madulas ang kalsada dahil sa ulan."

"Ago's—"

"A good driver, I know. I heard that so many times but accident is accident. Basta, mag-ingat kamo at maghihintay kami kahit anong oras kayo dumating."

I laughed a bit while nodding. "I will tell him!"

Binaba ko ang tawag matapos ang ilang paalala niya bago marahang tinahak ulit ang infant section habang tumitingin sa mga damit.

We'll be having a dinner tonight with the family, kakauwi lang ni Aiken mula Singapore kaya naisipan ni Papa na imbitahin kami. Hula ko, ideya ni Maricel iyon para sa pa-welcome home party ni Aiken, nagtagal din kasi iyon sa Singapore ng ilang buwan kaya siguradong namiss ng Mommy niya.

My cellphone vibrated, I opened it.

Chago:
What are you doing?

Ako:
I'm walking.

Chago:
Walking again?

Ako:
Yes, ano bang pake mo? Kakatawag lang ni Papa sa akin, napaka sumbungero mo! Bakit pati pagsakit ng ulo ko dinaldal mo agad?

Chago:
I had to, you can't be too crowded with activities.

Ako:
Ewan ko sayo. Nakakahiya kung hindi tayo makapunta, kararating lang ni Aiken at namiss ko siya kaya gusto ko rin pumunta.

Chago:
Alright, we're going. Don't be stressed out. Kakasabi lang noong huling check up na huwag kang masyadong magpa-stress.

Ako:
OA mo naman kasi. I am pregnant but not disabled, Chago.

Chago:
It's not OA, I'm worried. Hindi mo maaalis 'yon sa akin kahit anong sabihin mo riyan. Anong ginagawa mo pa?

Ako:
Bahala ka nga. Sige na, istorbo ka.

Chago:
Anong oras ka uuwi?

Ako:
Ang dami mo namang tanong.

Chago:
Sagutin mo na lang, please. Para masundo kita.

I sighed heavily in the building irritation within me.

Ako:
Kaya ko naman umuwi mag-isa. Ilang beses ko nang nagawa 'yon, huwag mo nga akong ituring na parang abala. I can take care of myself.

He's really irritating for the past months, sa ginagawa niyang sobrang pagbe-baby sa kalagayan ko ay mas lalo akong nakakaramdam ng kakaibang emosyon para sa sarili. Pakiramdam ko, wala akong ginagawang tama at inaabala pa ang oras niya gayong hindi ko naman hinihiling.

I just wanna be normal while carrying our baby, iyong hindi pabigat sa kanya dahil hindi na ako nakakapagtrabaho simula nang mag anim na buwan ang pagbubuntis ko. Naging moody kasi ako at tamad, namroblema rin ako sa sinabi ng doktor na hindi masyadong makapit ang baby kaya kailangan kong huminto sa trabaho pansamantala at mag-focus sa pagpapalusog sa sarili.

Veiled Diaries #3: Through The VoicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon